^

Pang Movies

Korean actress na si Go Soo Jung walang detalye ang pagkamatay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Korean actress na si Go Soo Jung walang detalye ang pagkamatay
Go Soo Jung

Malungkot ngayon ang fans ng Korean actress na si Go Soo Jung dahil namatay ito last February 8 sa edad na 24.

Ang announcement ng pagpanaw ni Go Soo sa murang edad ay inanunsyo ng talent agency niyang Story K. Company.

Sa Twitter ng GMA Entertainment, isinalin nito sa English ang announcement.

“A few days ago, actress Go Soo Jung bid farewell to this world and became one of the bright stars in the sky.

“We will always remember actress Go Soo Jung and her glowing smile which brightened the world. Rest in peace.”

Taong 2016 ang debut niya sa K-drama series na Goblin: The Lonely and Great God. Kasama niya si Gong Yoo na favorite nina Sharon Cuneta at Anne Curtis.

Nakasama rin ang pumanaw na Korean actress sa drama na Solomon’s Perfury at sa music video ng BTS na With Seoul.

Sa mga naglabasang reports, hindi lang siya ang Korean showbiz personality na maagang binawian ng buhay.

Walang detalye ng rason ng pagpanaw ng Korean actress.

AiAi magpapakasal uli sa Israel

Gustong mag-renew ni AiAi de las Alas ng kasal niya kay Gerald Sibayan sa Cana sa Israel.

Eh walong taon na ang nakararaan nang tumungo ang Comedy Queen sa Holy Land. That time kasama niya ang kaibigang si Father Allan Samonte.

“Sa 2021, babalik ako doon kasama ko na si darl…kasi sa church kung saan ginawa ang wedding of cana nag-pray ako dun sa Lord pagbalik ko dito kasama ko na ang lalaking binigay mo sa akin, kasi puwede kayong mag-renew ng wedding vows nyo dun,” sey ni AiAi sa kanyang Instagram.

Saad pa ni AiAi, “ Ang buhay talaga mahiwaga after eight years ang daming nangyari sa buhay ko hehehe…At salamat Panginoon kasi inayos mo ang buhay ko with the intersession of Our Blessed Mother Mary,” rason ni AiAi.

GO SOO JUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with