Natalie Portman dinaan sa gown ang pagrerebelde sa Oscar
Controversial ang sinuot ng Oscar best actress Natalie Portman sa red carpet ng Oscar 2020.
Bold statement ang gustong iparating ni Portman sa kanyang embroidered cape of gold and black gown na gawa ng Dior. Naka-embroider ay ang pangalan ng mga female director na hindi nominated sa kanilang mga pelikula sa nagdaang taon.
“I wanted to recognize the women who were not recognized for their critical work this year in a subtle way,” sey ni Portman.
Sa 92-year history ng Academy Awards, limang babae pa lang ang na-nominate for best director at isa pang lang ang nanalo. Ito ay si Kathryn Bigelow para sa pelikulang The Hurt Locker in 2009.
Taun-taon ay nakakatanggap ng backlash ang Academy Awards dahil sa kanilang selection of nominees “due to lack of representation, especially in the director category.”
Ang ginawa ni Portman ay pag-air niya ng frustrations sa Academy Awards for “lack of diversity in the industry and the organizations behind the accolades.”
Matteo naka-bed rest!
Three days na palang on bed rest si Matteo Guidicelli dahil sa natamo nitong aksidente sa isang training session niya.
Ayon sa fiancé ni Sarah Geronimo, nagkaroon ito ng slipped disc at pinost niya ito sa kanyang Instagram Stories.
Hindi naman kaila sa marami na isang Philippine Army reservist (2nd lieutenant) at triathlete si Matteo, kaya isa lang siguro diyan ang naging dahilan ng kanyang natamong slipped disc.
Pangkaraniwan ang slipped disc lalo na sa mga taong aktibo sa workout at ibang rigorous activities.
Ilan sa celebrities natin na nagkaroon ng slipped disc ay sina Angel Locsin, Derek Ramsay, Polo Ravales at Paolo Ballesteros.
Makokorek ang slipped disc sa pamamagitan ng surgery at therapy.
5 Pinoy films pasok sa Osaka filmfest 2020
Limang Filipino films ang napiling official entries para sa Osaka Asian Film Festival 2020 sa Japan.
Mga napili ay ang pelikulang LSS (Last Song Syndrome) kung saan bida sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos; Babae at Baril ni Janine Gutierrez; at Write About Love nina Rocco Nacino, Yeng Constantino, Joem Bascon at Miles Ocampo. Kasama rin ang Metamorphosis at Sunshine Family.
Kasama ang LSS, Metamorphosis at Sunshine Family sa Special Programs: New Action! Southeast Asia’s section, which “highlights new movements in Southeast Asian cinema and features a wide variety of films.”
Ang Babae at Baril and Write About Love ay kasama sa 15 contenders for the Grand Prix or Best Picture Award and the Most Promising Talent Award.
Magaganap ang Osaka Asian Film Festival 2020 on March 6 hanggang 15, 2020.
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!
- Latest