^

Pang Movies

Pagiging Box-Office Queen ni Xia kinukuwestiyon?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Pagiging Box-Office Queen ni Xia kinukuwestiyon?!

May mga nagtatanong pala kung bakit daw si Xia Vigor, na isang child star, ang nanalong Box-Office Queen sa nalalapit na 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF). Bakit daw hindi si Bela Padilla na siyang guma–nap na older Yesha sa Miracle in Cell No. 7 ang box-office winner sa Metro Manila Film Festival 2019?

Si Xia ang gumanap na daughter ni Aga Muhlach na si Yesha sa simula pa lamang ng story at si Bela ay may special participation lamang bago natapos ang movie.

Hindi si Xia ang kauna-unahang child star na nanalo as Box-Office Queen. 

Noong 1988, ginawa ang Wake Up Little Susie na bida ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon) at Aiza Seguerra. 

In 1987, at three years old, sumali si Aiza sa Little Miss Philippines at siya ang nanalo sa grand finals. Doon na nagsimula ang showbiz career ni Aiza at ginawa nga niya ang Wake Up Little Susie kung saan nga siya nanalo. At noong 1989 na ginanap ang GMMSF, ang TVJ ang nanalong Box-Office Kings at si Aiza ang nanalong Box-Office Queen.

Hindi rin naman maku-question ang husay sa acting ni Xia. Bago siya gumanap sa Miracle in Cell No. 7 in last year’s 50th Box Office Entertainment Awards, siya ang nanalong Most Popular Female Child Performer. Nagsimula si Xia noon sa Mini Me ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Sa ngayon ay contract star na si Xia ng Viva Artist Agency at ilang movies ang gagawin niya sa Viva 2020.  At kahit nagsu-shooting si Xia, tuloy ang regular niyang pag-attend sa classes niya.

Katrina at Wendell tinutukso sa isa’t isa

Biruan ngayon sa set ng Prima Donnas ang twist sa story ng GMA afternoon Prime drama series dahil may love angle na sina Katrina Halili at Wendell Ramos. Paano na raw si Kendra (Aiko Melendez) na gustung-gusto nang makasal kay Jaime (Wendell) dahil sa mayamang angkan ng mga Claveria.

Natutuwa nga sina Wendell at Katrina dahil sa social media, ipinadadaan ng mga sumusubaybay ng serye na tanggap nilang maging sina Lilian (Katrina) at Jaime sa story. 

Alden namaos na sa sobrang pagod

Natodo yata ang pagod at puyat ni Alden Ri­chards, kaya kahapong nagbalik na siya muli as one of the hosts ng Eat Bulaga, namamaos siya. Last week kasi tinapos ni Alden ang last three episodes ng nagtapos niyang teleseryeng The Gift, taping ng two episodes ng Centerstage singing contest na inabot ng 12midnight at last Friday eve­ning, ang thanksgiving party ng cast at production staff ng The Gift sa kanyang Concha’s QC.

vuukle comment

XIA VIGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with