^

Pang Movies

Gloria Diaz may patama sa mga taong feeling perfect!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gloria Diaz may patama sa mga taong feeling perfect!

Type ko ‘yung pinost ni Gloria Diaz sa kanyang Instagram account tungkol sa favorite quote niya.

“After gossiping about me, please pray for me. I want to be PERFECT like you.”

Ang bongga, ‘di ba, Ateng Salve?!

Ang taray ng dating, huh!

Siguro naman walang pinatatamaan si Tita Glo sa post niyang ‘yon.

Knowing, Tita Glo na straight-forward, hindi niya dadaanin sa pagpaparinig kung may tao man siyang kinaiiritahan. For sure, sasabihan niya ‘yon ng face to face!

Hehehe!

Solenn hanggang July pa tututukan ang pag-aalaga sa anak

Noong January 1 isinilang ni Solenn Heussaff ang panganay nila ni Nico Bolzico, si Thylane Katana.

Hands on ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang baby girl.

Si Solenn, hindi pa rin nagwo-work para matutukan si Thylane Katana.

Ayon sa manager niyang si Leo Dominguez, by July pa raw magwo-work uli ang actress/singer.

By July ay six months na si Thylane Katana, kaya puwede na uling sumabak sa work si Solenn.

But for sure, magiging limited na ang oras ni Solenn sa work dahil gusto nga niyang tutukan ang anak.

Nice!

Lovi ini-expect na tatakas para sa BF

Ang surprise advance birthday dinner ni Lovi Poe kahapon sa The Frazzled Cook Café sa Quezon City.

Sa February 11 pa ang birthday ni Lovi.

Hindi kaya “tatakas” si Lovi pa-Los Angeles, California sa kanyang birthday para makapiling ang boyfriend na si Montgo­mery Blencowe na isang Hollywood producer?

Hindi ako magtataka kung mag-post sila ng pictures sa kanilang social media accounts na magkasama sa special day ni Lovi!

In fairness to them, hindi sila “nagdadamot” sa kanilang social media followers pagdating sa kanilang sweetness!

Snooky at Dina, inaalala ang nakaraan nila sa Regal

Ang magandang feedback sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday primetime series ng GMA-7.

Marami ang naaaliw kina Snooky Serna at Dina Bonnevie na “mortal” na magkaaway sa series na ‘yon.

Ang bongga ng dalawang dating Regal babies sa bago nilang show sa Kapuso network.

In real life, walang dapat pag-awayan sina Snooky at Dina.

Friends ang turingan nilang dalawa at madalas kapag hindi sila ang kinukunan sa taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ay nagre-reminisce sila tungkol sa pagiging Regal babies nila noong araw.

Parehong puring-puri nina Snooky at Dina ang isa’t isa kapag tinatanong sila ng entertainment press.

Sina Barbie Forteza at Kate Valdez, respectively, ang gumaganap na mga anak nina Snooky at Kate sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

GLORIA DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with