^

Pang Movies

Take It…, naka-isang taon na kahit parang hindi trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Take It…, naka-isang taon na kahit parang hindi trabaho

Para naman gusto kong mag-melancholia, Salve. One year na pala ang Take It… (Per Minute) Me Ganun?! this month of love, Feb­ruary.

Noong una, pang-kill time ko lang iyon show at ginagawa ko para makahingi ng longganisa kay Cristy Fermin.

Tapos nang isali natin si Mr. Fu, type ko rin na laging humingi ng mga giveaway niya sa radio prog­ram niya. Wala lang, ganun-ganun lang. Kuwentuhan, tawanan.

Hanggang unti-unting nagiging part na ng sistema natin, looking forward na sa pagkain ng lunch together, parang pamilya na sila Tina Roa , Japs Gersi , PJ at Richie, name-miss mo na pag ‘di mo sila nakikita.

Naging anak-anakan natin si Ogie Narvaez, kumareng sina Rexy at Karen, at lahat ng friends ni Cristy na dumadalaw, friends na rin natin. Si Ogie Diaz hinahanap-hanap na rin natin every week.

Pero ang mas matindi, iyong nagkaroon tayo ng konek pati sa mga taga-abroad natin na kababayan, iyon weekly pinapanood tayo, nagbibigay komento, nagtitiyagang panoorin tayo.

Now, after a while , nag-one year na ang Take It.. Per Minute! (Me Ganun). Hindi na ito biro for us, pero hindi rin trabaho. Part na ito ng life natin, basta sacred day na ang Tuesday, holy hour na ang 12 to 1 pm ng hapon. I declare it a day of fun, loving hour for all our beloved viewers , thank you, forever grateful.

I-like, share and follow ninyo lang ang Facebook at YouTube account ng Pilipino Star NGAYON at PSN Latest Chika.

‘Lahat napapalitan!’

Isa na namang natutuhan ko sa Korean drama na pinapanood ko Salve na no one and nothing is indispensable.

Hindi hihinto ang buhay o negosyo dahil lang nawala ang isang tao kahit gaano pa siya kagaling o kahusay. Kaya hindi puwedeng magmalaki ang isang talent o isang writer, o manager na pag nawala siya, hindi na aandar ang iniwan niya.

Kahit pa gaano ka kailangan, sure na puwede kang palitan, puwedeng humanap ng iba. Kahit gaano ka ka popular, puwede pa rin mag-build up ng isang magiging as popular as you. Iyon ang cycle ng buhay. Meron nawawala, meron papalit.

Kaya huwag magmalaki na parang sa iyo lang umiikot ang mundo, na para bang pag nawala ka, wala na. Mabibigla ka na lang, puwede ka palang palitan.

TAKE IT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with