Ryan at Juday may blow-out sa Valentine’s

Juday

Kakaiba ang Valentine’s Day treat na naisip ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, may special treat sila for 15 couples at makakasama pa sina Judy Ann at Ryan. Hindi lang ‘yun, makikita rin nila kung paano ihanda at lutuin ang popular dishes sa Angry Adobo restaurant ng mag-asawa.

Ihahanda ni Judy Ann sa harap ng 15 couples ang Angry Adobo, Pako and Salted Egg Salad, Kanchos, Angrybowls at Champsicles.

Tinawag na Eat, Laugh, Cook, & Love ang event with Head Chef Judy Ann sa February 13, 8pm., sa Angry Adobo branch sa Westgate, Alabang. Limited to 30 slots o 15 couples ang ma-a-accommodate for P3,500 per slot.

Paalala ni Judy Ann, kumpirmahin ang attendance by texting 09193294062. “Let’s drink and be merry.”

Julie Anne sunud-sunod ang awards

Binati si Julie Anne San Jose ng mga kasama sa All-Out Sundays dahil sa sunud-sunod at dami ng awards na kanyang natatanggap. Nagsimula December last year ang pagtanggap ng Julie Anne ng awards at nagpapatuloy hanggang this year.

Isa pang rason nang pagko-congratulate kay Julie Anne ay ang two million streams sa Spotify ng new single niyang Nobela for five weeks lang.

Napakinggan namin ang song, maganda siya, kaya naman pala marami ang nakikinig at makikinig pa.

Ganu’n din ang nangyayari sa theme song ng Descendants of the Sun na You Are My Every­thing  na si Julie rin ang kumanta. 

Isa pala sa achievement ni Julie this year ay ang pagkaka-appoint sa kanya na New Ambassadors for Music ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA). Kasama niya rito sina Catriona Gray at KZ Tandingan.

Sunud-sunod rin ang concert ni Julie at isa rito ang The Sweetheart & The Balladeer (Fun Night Only) with Christian Bautista. Gaganapin ito sa Urdaneta City Cultural and Sports Center sa Urdaneta City, Pangasinan sa February 8. Kasama rin sina Donita Nose at Super Tekla at special guest si Kyline Alcantara. Si Paolo Valenciano ang director ng concert.

Rhian first time mag-nanay role

Sa Los Angeles, California pala nag-celebrate ng kanilang first anniversary sina Rhian Ramos at Israeli boyfriend na si Amit Borsok at nalaman ang tungkol dito dahil may nagtanong kay Rhian kung nasa LA siya, Sinagot nito ng “yeah!”

Kung hindi pa nakabalik si Rhian this Monday from LA, hindi niya mapapanood ang pilot ng primetime series ng GMA-7 na isa siya sa main cast, ito ay ang Love of My Life.

Sa trailer pa lang, parang bida-kontrabida na ex-GF ni Tom Rodriguez ang role niya at ina ng anak ng karakter ni Tom. Sa seryeng ito ay first time rin niyang gumanap bilang nanay.

Show comments