Alam mo, Ateng Salve, napatunayan ko na ang lakas talaga ng Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga!
Noong Saturday pa ako nag-appear doon bilang support line ni Pops Fernandez na siyang naging celebrity contestant that day, pero kahit saan ako magpunta, may mga nagsasabing napanood nila ako sa nasabing segment.
Pati nga mga taong hindi ko kakilala, lumalapit sa akin para sabihing, “Napanood kita sa Bawal Judgemental with Pops!”
Ang bongga lang ng segment na ‘yon ng Eat Bulaga na sina Vic Sotto at Allan K. ang nagho-host.
Nang ikuwento ko nga kay Malou Choa-Fagar ang tungkol doon, nasabi niyang “malakas talaga ang segment na ‘yon!”
Anyway, noong on-going ang segment, kakuwentuhan ko ang katabi ko sa bench na si Pauleen Luna.
Nakikihula rin kasi siya.
“‘Hindi n’yo ba alam kung ano talaga ang tamang sagot? Kung sino ang dapat piliin ni Pops sa mga pinagpipilian sa kanya tungkol sa topic na ampon ngayon?’ tanong ko sa misis ni Bossing Vic at sinagot niya ng, ‘Hindi. Silang dalawa (kanyang mister at Allan) lang ang nakakaalam. Nakikihula rin lang kami!”
So, like the contestant, studio audience, TV viewers, nakikihula rin pala ang iba pang hosts ng Eat Bulaga. Kahit daw sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo at Wally Bayola na kasama rin sa segment na ‘yon at sobrang nakakatawa ang antics, hindi rin alam kung sino sa mga pinagpipilian ang tamang sagot sa mga tanong sa three rounds ng nasabing segment..
Ang bongga!
Kaya nga pala naglaro sa segment na ‘yon si Pops ay dahil sa promotion ng Two-gether Again concert series nila ni Martin Nievera sa The Theater at Solaire on February 14, 15, 17, 18, 19, 20 and 21.
At dahil nga rin sa appearance ko with Pops sa Bawal Judgemental ay may mga nagme-message tuloy sa akin and asking kung may pag-asa pa raw ba na magkabalikan ang dating mag-asawa?
Ay, ang hirap din kasing magsalita tungkol sa bagay na ‘yon, eh!
Tanging ang panahon lang naman ang makakapagsabi at baka nga naman in the future ay may balikan pa ring mangyari kina Pops at Martin.
Ang maganda lang sa ex-couple, hindi nila pinasasakay ang mga fan nila at madalas nilang sabihin na maganda ang relasyon nilang dalawa bilang friends at parents sa mga anak nila na sina Robin at Ram Nievera.
Tama!
Gloria Diaz in demand pa rin!
In fairness to our first Miss Universe (1969), si Ms. Gloria Diaz, kahit mag-69 na siya sa March, aba, mabiling-mabili pa rin siya sa movies and television.
Halos sabay-sabay nga ang projects na ginagawa ngayon ni Tita Glo.
Ang alam ko, kahapon ang last shooting day niya para sa iWant original series na The Beauty Queen kung saan ay lover niya sa istorya ang tomboyitang si Lotlot de Leon.
Magsisimula na rin siya ng pelikula sa Regal Entertainment, Inc., ang Mommy Issues at marami pa siyang ibang offers.
At sa totoo lang, kahit kaliwa’t kanan ang acting projects niya, iba’t ibang atake naman sa kanyang mga role ang ibinibigay niya, kaya happy ang mga producer niya!
At kahit busy siya, maayos din ang schedule ni Tita Glo, kaya walang mga issue sa kanya like sa pagka-late sa work. Palaging on time ang veteran actress, huh!
Malayo si Tita Glo sa ibang mga kabataang artista na idinadahilan na maraming projects kaya nali-late sa ibang commitments!
Dapat lang na tularan ang nanay ni Isabelle Daza-Semblat, noh?!
Jed lumiit na ang katawan
Naku, like us, Ateng Salve, mukhang nagda-diet and exercise na rin si Jed Madela dahil marami na ang nakakapansin na malaki na ang ipinayat niya, huh!
Noong mag-production meeting nga kami for Voices for Love, ang pre-Valentine dinner show nila ni Angeline Quinto sa Marriott Grand Ballroom on February 12 at produced ni Annabelle Rama, lahat ng mga kasama namin doon ay napansin na malaki na nga ang iniliit niya!
Noon kasi, napansin na lumapad si Jed, pero ngayon nga, obvious na na unti-unti siyang lumiliit!
‘Yun na!