Nakakaloka ang mga kumakalat na balita tungkol kina James Reid at Nadine Lustre na after three years ay tuluyan na ngang lumaylay ang kanilang relasyon.
Iba-ibang version at kuwento ang trending ngayon sa mga social networking sites gaya ng Facebook, Twitter, at Instagram. May mga video rin kung saan nahuli ‘di umano ang binata kasama ang kapatid ni Yassi Pressman na si Issa Pressman na naglalampungan.
Nananatiling tikom ang bibig nina Nadine at James sa mga nangyayari, habang nagbigay ng pahayag ang kanyang matalik na kaibigan na si Yassi sa kanyang Instagram account.
Nag-post siya ng larawan kung saan kasama niya si Nadine na masaya at parang walang nangyari, with the caption explaining na wala raw katotohanan ang mga binibintang ng iba sa kanyang kapatid at okay na okay daw ang pagkakaibigan nila ni Nadine. Well, kung talagang totoo nga, hindi ba dapat si Nadine ang magki-clear nito? Malamang, kapatid niya (Yassi) si Issa kaya natural lang ipagtanggol niya ito sa mga namba-bash sa kanya.
Ganun pa man, mukha namang walang problema sa dalawa dahil nag-comment si Nadine sa post na iyon ni Yassi at nag-I love you pa nga sa magkapatid.
Saka laging nakikitang magkasama sina James at Nadine, eh ano ba talaga ang totoo? Ang fans tuloy nila ay ‘di mo na rin malaman ang ire-react. Nalulungkot sila, pero bigla na silang masaya dahil sa balitang magkadikit pa rin ang dalawa.
Star Awards For Music dinagsa ng fans!
Ginanap ang PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards For Music sa Skydome North Edsa sa Quezon City na as usual, buhos ang fans ng singers ng iba’t ibang genre. E, knows niyo naman basta mga ganitong event, dagsa ‘yan. Ang iba ay galing pa sa malalayong lugar.
Sa lahat ng mga nagwagi, sa lahat ng performers, saludo kami sa inyo.
Congratulations! Kasama syempre ang producer ng Airtime Marketing Inc. na si Jessie Celestino Howard, at sa iba pang staff.
Panay ang pasalamat ng isa sa haligi ng musika na si Martin Nievera na walang kakupas-kupas.
Tito Boy alam na agad kung sino ang sisikat
Napakahusay talaga ng Asia’s King of Talk na si Tito Boy Abunda na isa sa mga hurado ng reality talent show na Your Moment, kasama ang actress-singer na si Nadine Lustre at host-performer na si Billy Crawford.
Sina Vhong Navarro at Luis Manzano naman ang hosts ng nasabing TV show.
Kilala naman natin si Tito Boy sa pagho-host at sa tagal niya sa industriya, mapa-theater, television, o movies.
Naging hurado na rin siya noon sa Star Circle Quest kung saan ang kasama naman niya ay sina Gloria Diaz at Laurenti Dyogi.
Dito na rin na-discover sina Hero Angeles, Sandara Park, Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Erich Gonzales, at marami pang iba kung kaya’t hindi na bago kay Tito Boy ang mga ganito.
Alam na alam niya ang ginagawa niya, hindi tulad ng iba na porket sikat o guwapo, e basta nalang gagawing judge. Kilala niyo na kung sino tinutukoy ko! ‘Yun lang!
Derek hindi nabibigyan ng tamang credit ang acting?!
Napapansin ba ninyo si Derek Ramsay, hindi yung kapogian niya na tipong habulin ng chicks ah, kung hindi yung galing niya sa pag-arte.
Para kasing hindi siya nabibigyan ng proper credit sa pagiging aktor niya. Madalas ko kasing mapanood ang nga pelikula niya sa Star Cinema.
Sana mabigyan pa siya ng maraming projects. E ito palang si Derek, may napakagandang bahay na puro babasagin ang laman, at hindi lang ‘yon, nagmamay-ari pa siya ng dalawang resort somewhere in Palawan. Napaka-relaxing!
Ilan lamang ito sa mga napundar ni Derek sa kanyang pag-arte. Ang galing! Talagang business pa rin ang iniisip niya. No wonder ang daming nabaliw sa kanyang babae.
Vice tuloy ang pagtanggap ng suwerte
Saludo rin talaga kami kay Vice Ganda dahil sa kabila ng napakaraming may galit sa kanya at mga humuhusga sa kanilang relasyon ng boyfriend niyang si Ion Perez, yung puso naman niya ang iyong hahangaan. Imagine, yung isang contestant sa Tawag ng Tanghalan sa kanyang programang It’s Showtime na naglalako ng balot para may maipangtustos sa pamilya, pangarap niya ang magkaroon ng TV, maliit lang ang hinihiling niya pero malaki ang ibinigay sa kanya ni Vice.
Ang ganda ng boses, ang galing niya kumanta, ‘yan si Roberto Herbero na nagmula pa sa Mindanao. If ever daw na manalo siya sa Tawag ng Tanghalan, gusto niyang mapagawa ang kanilang bahay at higit sa lahat makabili siya ng TV kahit daw maliit lang. Hindi man pinalad manalo si kuyang balot vendor ay tinupad naman ni Vice ang isa sa kanyang pangarap. Siya pa mismo ang nag-offer, at pinapili niya ito. Daig pa ang nanalo. Kaya naman hindi mailap ang suwerte kay Vice dahil napaka-generous niya. Lalo siyang binibiyayaan at pinagpapala ng Diyos! Napakarami na niyang natulungan. Sana wag siyang magsawang tumulong sa mga nangangailangan. God bless sa lahat ng bumubuo ng Showtime, at kay Kuya Roberto, congrats dahil nairaos mo ang iyong performance!