Aktres na may maitim na kili-kili at buntis na beauty queen-turned actress, pinagpipistahan
Sino sila?
Hay, Salve, pinag-uusapan ng mga kasamahan niya ang isang baguhang aktres na magaling pa man din dahil sa maitim nitong kili-kili.
Siguro, it will do well sa aktres na ito kung maipapakilala siya ni Lolit Solis kay Dra. Vicki Belo.
Another tsismis going around sa showbiz ay ang pagbubuntis ng isang beauty queen-turned actress. At ang ama raw nito ay isang kilalang senador, na kung sabagay ay binata pa at mayaman ang angkan bago pa man pumasok sa pulitika.
Pamilya ni Sarah hindi mapilit dumalo sa kasal nila ni Matteo?!
Ask ko lang Salve, since close ka kay Sarah Geronimo, kung totoo ba na ngayong 2020 na ang kanilang kasal ni Matteo Guidicelli, at sa Italy daw ito gaganapin? Pero gaano katotoo na hindi raw dadalo ang pamilya ni Sarah, lalo na ang kanyang Mommy Divine?
Just asking lang ha?
Block Z nina Julia at Joshua palabas na!
Premiere showing today, January 27, sa Cinema 7 ng Megamall ng pinakahihintay ng lahat na horror flick na Block Z, ng Star Cinema.
Block Z is directed by Mikhail Red, yes, the same director ng pelikulang Eerie at Dead Kidz.
Sina Julia Barretto at Joshua Garcia ang mga bida sa Block Z, at kasama rin nila sina Maris Racal, McCoy de Leon, Yves Flores, Ian Veneracion at Dimples Romana.
Ara mas tutok sa career at business kesa sa lovelife
Ara Mina said not until daw nakatrabaho niya si Tirso Cruz III, whom she fondly calls Tito Pip, in the high rating action series na FPJ’s Ang Probinsyano, did she discover how nice and enticing a co-worker he is.
Very professional din daw si Pip at napakagaling na artista, susog pa ni Ara.
Sa Ang Probinsyano nga raw kasi, kontrabida si Pip at sineseryoso niya raw talaga ito, to the point na hindi mo aakalaing dati siyang matinee idol.
Ayon kay Ara, sa pag-arte na raw tumanda si Pip, at alam na nito ang lahat pagdating sa kanilang trabaho. Kaya naman palagi raw niyang pinaghahandaan kapag silang dalawa na ang magka-eksena.
They are playing husband and wife role sa nasabing serye, a both corrupt couple.
Ara is having fun daw working with her fellow actors, most especially, Jerald Napoles, who plays hers and Pip’s bodyguard.
Napakagaling daw na artista ni Jerald, whom, Ara says, she knows daw na boyfriend ni Kim Molina na kasama rin nila sa serye.
Samantala, wala raw muna sa priority niya ngayon ang pagkakaroon uli ng lovelife. She has not had a boyfriend since naghiwalay sila ng ama ng kanyang anak na si Amanda, na si Patrick Meneses.
Bukod sa pagiging ina at aktres, busy din daw si Ara sa kanyang bakery business.
May four branches na siya ng bakery, na halos lahat daw ng ibinebentang cakes, tinapay at biskwit ay sarili niyang recipe.
Before starting her business, Ara took up lessons in baking and culinary arts.
- Latest