First time maggi-guest ni Maine Mendoza sa drama anthology na Magpakailanman, hosted by Ms. Mel Tiangco.
Almost five years na si Maine sa showbiz, at may offers na sa kanya para mag-guest doon, pero bakit laging tumatanggi si Maine?
“Hindi po kasi ako talaga sanay na mag-drama, eh, puro dramatic episodes ang napapanood ko every Saturday,” nakangiting sagot ni Maine. “Ngayon po na may pagka-comedy ang story, pumayag na po akong mag-guest, nang muli silang nag-offer.”
Bukod sa regular sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl, ilang beses na ring nag-guest si Maine sa fantasy series na Daig Kayo ng Lola Ko na madalas comedy or action comedy ang tema ng story.
Kaya nag-first taping na si Maine, with leading man Ruru Madrid kahapon sa Lakeshore Park sa Angono, Rizal at sa St. Clement Parish Church doon. Madalas na ring mai-guest si Ruru sa Daddy’s Gurl.
Abangan kung ano ang story nina Maine at Ruru sa Magpakailanman na mapapanood na this February. May isa pa silang taping day sa Monday, January 27, under the direction of Jorron Lee Monroy.
Migo sumumpang ‘di na gagawin ang kasalan nung 2019
Starstruck 6 Ultimate Male winner in 2015, Migo Adecer and his non-showbiz girlfriend, Katrina Mercado, celebrated their first anniversary as sweethearts last Wednesday, January 22, 2020.
Sa mediacon ng bagong teleserye ni Migo, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, natanong si Migo bakit naging open na siyang ipakilala ang kanyang girlfriend? Dati kasi kapag tinanong mo siya kung may gf na siya, sasabihin niya wala pa. But last year, 2019, ipinakilala na niya sa kanyang Instagram post ang photo nila ni Katrina, iyon ay pagkatapos niyang gawin ang epic serye nilang Sahaya with Bianca Umali at Miguel Tanfelix na sabi ay nanliligaw daw siya kay Bianca?
“Pagod na akong magtago,” nakangiting sagot ni Migo. “Dati kasi binabawalan ako, pero mas mabuti na wala akong itinatago, kaya ipinakilala ko na si Kat. Doon ako masaya, hindi siya sanay na magulo.”
Sa bagong teleserye, dalawa ang leading ladies ni Migo, sina Barbie Forteza at Kate Valdez.
“Nagulat nga ako nang malaman kong isa sa magiging partner ko si Barbie. Hindi ko kasi siya kilala personally, ‘hi!’ ‘hello’ lamang kami kung magbatian. Si Kate, nakakasama ko na sa Studio 7 last year, kaya kilala ko na siya. Looking forward working with Barbie, I will work with new friends.
“Here, I will play the role of Cocoy, a charming city boy na mami-meet nina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate).”
Last year, nagkaroon ng hindi magandang experience si Migo, ano ang itinuro sa kanya noon?
“Siguro, noon nabuo ang maturity ko, kaya I learn, repeat, I learn from my experience, at hindi ko na uulitin iyon.”
Bukod sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, na magsisimula na sa Monday, January 27, after 24 Oras sa primetime telebabad, mapapanood din si Migo every Sunday sa noontime show na All-Out Sundays, at 12:00 noon to 2:30 pm.