Dina hindi na kailangang umiyak ng umiyak

Dina

First primetime series na mapapanood sa first quarter of 2020 ng GMA Network ay ang most sensational rivalry sa pagitan ng friends-turned-mortal enemies mula sa dalawang regions ng Pilipinas, ang TV adaptation ng 1984 hit movie ng Regal Films, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Gaganap dito sina Snooky Serna as Amy, ang Waray at Dina Bonnevie as Sussie, ang Biday. Magiging reunion project ito nina Snooky at Dina na dating mga Regal babies.

Walang problema si Dina na magsalita ng Ilocano dahil wife siya ngayon ng Congressman ng Ilocos Sur, si Deogracias Victor Savellano, kaya niya tinanggap ang role bilang isang Ilocano.

“Adopted daughter na kasi ako ng Ilocos Sur at isang magandang way ito para mai-promote ko ang Ilocos,” sabi ni Dina sa mediacon ng serye. “Hindi man ako masyado pang bihasang magsalita ng Ilocano, pero nagamit ko na rin ito noong kampanya, kumanta at nagsalita ng Ilocano, hindi na nga ako puwedeng iligaw kapag may kausap akong Ilocano dahil naiintindihan ko ang dialect.

“Tinanggap ko rin ang serye dahil matagal na kaming hindi nagkatrabaho ni Snooky. After a long time hindi rin ako nakagagawa ng comedy, kaya kakaiba ang project namin at hindi ko kailangang umiyak nang umiyak, palaban ang character ko rito.  Kaya nagpapasalamat din ako sa GMA na ini-offer sa akin ito.”

Sa story, dating best friends sina Amy at Sussie pero na-in love sila sa iisang lalaki kaya naging mortal enemy na sila nang pareho silang magsilang ng anak na babae na gagampanan nina Barbie Forteza, ang Waray na si Ginalyn at Kate Valdez as the Biday na si Caitlyn. 

Sa buhay ba ni Dina, nagkaroon na siya ng ganitong kaibigan pero naging mortal enemy niya?

“Yes,” nakangiting sagot ni Dina. “Dati kaming friends noon, pero nagkaroon kami ng hindi pagkakasundo dahil din sa isang lalaki. Tumagal din iyon until muli kaming nagkausap at nagkaintindihan. She is a great mother to her son and she is very successful now. Dahil sa kanya naging Christian ako.”

Open book naman ang buhay ni Dina at tiyak na alam na ninyo kung sino siya, kahit hindi niya binanggit ang name ng kanyang best friend ngayon.

Ang Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday ay sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz at world premiere sa Lunes, January 27, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Casts ng Beautiful Justice nase-sepanx

May separation anxiety ang buong cast ng Beautiful Justice na grand finale na bukas, Friday, January 24, sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Bea Binene, Derrick Monasterio, Gil Cuerva, na nagsiganap na mga agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

During the tapings ng drama-action series, nakita nila kung gaano kahirap ang ginagawa ng mga PDEA agents sa pagsugpo ng sindikato sa drugs. Isang big scene na hindi nila malilimutan ay noong naglaban na ang tatlong grupo, na feeling daw nila ay para silang nasa war zone.

Ang Beautiful Justice ay mapapanood pagkatapos ng 24 Oras.

Show comments