Katatawanan ang dinala ng One of the Baes comedian na si Dyosa Pockoh sa kanyang mga kababayan sa isang evacuation center sa Batangas.
Tubong Lemery, Batangas si Dyosa at kabilang ang pamilya niya na lumikas patungong Nasugbu.
Imbes na malungkot, nagawa pa ni Dyosa na mag-post ng nakakatuwang photos at videos ng kanyang buhay bilang “bakwit” o evacuee.
Sa kanyang Facebook page, makikita si Dyosa na rumarampa suot ang mga donation na damit mula sa mga nagpadala ng tulong.
Thankful ang komedyante sa mga nagpadala agad ng tumulong at patuloy na tumutulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Jennica at Nadine sanib-puwersa sa pagpapadala ng tulong sa Batangas
Kahit hindi na aktibo sa showbiz ang former Kapuso actress na si Nadine Samonte, kabilang siya sa maagang nagpadala ng tulong sa mga naging biktima ng pagputok ng Taal Volcano.
Sa kanyang Facebook account, pinost ni Nadine ang mga pinamili niyang sari-saring pagkain, tubig at face masks.
Noong mabalitaan ni Nadine at ng kanyang mister ang nangyari sa Batangas, agad silang namili ng relief goods na pinadala nila kay Jennica Garcia na siyang namahala sa distribution.
Gustuhin man ni Nadine na personal na mamahagi ng relief goods pero kailangan niyang unahin na asikasuhin ang kanyang dalawang anak.
Tatay ni Dwayne Johnson hindi na nakapagpa-hospital bago namatay
Nagluluksa ngayon ang Hollywood actor na si Dwayne “The Rock” Johnson dahil sa pagpanaw ng kanyang ama, ang former WWE star Rocky “Soulman” Johnson sa edad na 75. The cause of death has not been revealed.
“WWE is saddened to learn that Rocky ‘Soul Man’ Johnson (born Wayde Douglas Bowles), a WWE Hall of Famer, former World Tag Team Champion, and father of Dwayne ‘The Rock’ Johnson, has passed away at age 75,” tweet ng WWE.
Ayon sa kaibigan ni Rocky Johnson, former wrestler Brian Blair, nag-struggle raw sa unspecified illness ang ama ni The Rock bago ito pumanaw.
“He was just under the weather, he thought he had the flu or something. I said, ‘You, need to get checked out, Rocky.’ He said he’d be OK. Then he missed this Sunday, a few days ago. When I talked to him again, he said he still wasn’t feeling good and he still missed church. He still didn’t get checked out. I talked to Sheila and she said he was just being stubborn. He died at home, today.”
Nagsimula ang wrestling career ni Rocky noong mid-’60s at nakasama siya sa WWE noong 1983. Nag-retire ito noong 1991.
Ang kanyang ama ang naging dahilan kung bakit pinasok ni The Rock ang sport na wrestling.