Aljur lumabas ang husay kay Ejay

Mahusay na artista si Aljur Abrenica, kitang-kita iyon sa pagi­ging kontrabida niya sa seryeng Sandugo ng ABS-CBN. Silang dalawa ni Ejay Falcon ang magkatunggali sa palabas. Bagay na bagay sila sa mga role nila bilang sina Leo at JC.

Pareho pala sila ng production unit ng Ang Probinsyano ni Coco Martin kung kaya’t hindi na kataka-takang kaabang-abang ang bawat eksena.

Huwag naman sanang magagalit si Cherry Pie Picache. Yes, magaling na artista, kaya lang laging super kunot ng noo. Kaunting baba! Kaya siguro ayaw kang ituring na nanay ni Aljur kasi kung makakunot ka ng noo, wagas!

Pagsabog ng bulkang Taal, may matinding mensahe si Lord

Galit na si Lord Jesus, sumabog na ang Taal Volcano, ang daming mga kababayan natin ang apektado.

Hindi na rin halos mabilang ang pinsala dahil sa pagsabog ng bulkan na pinangangambahang sasabog pa ng mas malakas.

Grabe ang ibinugang usok at abong may kasamang buhangin. Parang may gustong ipara­ting sa atin o ibig sabihin. Ito na kaya ang hudyat ng pagbabalik ng Panginoong Hesukristo? Senyales na kaya ito ng paghuhukom? Ika nga, ang mga tao’y galing sa lupa at babalik din sa lupa.

Let us pray na bigyan pa tayo ng isa pang pagkakataon.

Noong nakaraang pista ng Itim na Nazareno, ang daming sumama sa ilang araw na prusisyon at doon sa tinatawag na pahalik at maging sa ginanap sa prosesyon.

Huwag kayong magagalit pero para kasing walang sincerity ‘yung iba. Away-away at nagagalit sa mga umaagapay na pulis na nakasuot ng combat shoes. Marahil may natapakan  kaya nagalit ang ilan at kung kaya’t nakapagsalita ng hindi maganda o hindi kanais-nais.

Huwag ganyan, e kung wala ang pulis baka lalong nagkagulo sa prusisyon. Nagdasal ba talaga kayo?

Kaya siguro ang pagsabog ng Taal Volcano ay isang pahiwatig ng kanyang ikalawang pagparito.

Maffi aktibo rin sa kawanggawa bilang Noble Queen

Si Maria France Imelda Papin Carrion o mas kilala bilang Maffi ang tinanghal na Noble Queen of the Universe. Siya ay anak ng Vice Governor ng Camarines Sur na si Jose Antonio N. Carrion.

Bilang lingkod ng sambahayang Pilipinas, nagpasimuno na si Vice Gov. ng mga proyektong kailangan ng mga biktima ng iba’t ibang mga ka­lamidad kung saan naging katuwang niya si Maffi. Mayroong supplemental milk feeding program na kailangan ng mga fund-raising activities para matulungan ang mga out of school youth, mga batang naulila at marami pang mga gawain na nakatutulong sa mahihirap na pamilya.

Mini Yorme nakaka-miss sa Showtime

Mami-miss mo ang It’s Showtime kapag wala si Aaron Sunga o mas kilala bilang Mini Yorme, napakatalino at napaka-cute na bata.

Alam niya kung anong sasabihin niya, lagi siyang may sagot sa bawat itatanong sa kanya ng mga host na sina Vice Ganda, Vhong Navarro at Karylle. Ang sarap niyang kagatin! Kagigil!

Show comments