^

Pang Movies

Yassi laglag na nga ba? Coco ibibida si Julia sa batang Quiapo?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Yassi laglag na nga ba? Coco ibibida si Julia sa batang Quiapo?!

Hindi pa ma-confirm ng isang executive ng ABS-CBN kung anong mga gaga­wing programa ni Julia Montes sa pagbabalik-showbiz nito.

Pero nauna nang may nagbanggit na source na si Julia diumano ang magiging leading lady ni Coco Martin sa remake ng Batang Quiapo ni Da King Fernando Poe Jr. na diumano’y papalit sa Ang Probinsyano na magtatapos na sa March.

Pero bago pa man daw tapusin ang AP na mahigit na apat na taon na rin namang napapanood sa primetime ng Kapamilya Network at walang nakapagpatumba, mauuna umanong ‘papatayin’ sa action serye si Lorna Tolentino dahil may iba na itong gagawin.

Anyway, goodbye Yassi Pressman na nga ba si Coco at babalik na kay Julia?

Nadine nabiktima ng magnanakaw sa Brazil

Nanakawan ng cellphone sa Brazil si Nadine Lustre base sa kanyang IG story kahapon. “New fone who dis? Legit tho, cuz my phone got stolen yesterday hah…” sabi niya.

Kasalukuyang nasa Brazil si Nadine and James Reid para sa kanilang pictorial for a glossy magazine.

Julia, magiging digital star na rin

Ang daming Kapamilya stars na sasabak sa digital shows ngayong 2020.

Paghahanda na ba talaga ito sa pagpasok nila sa pagiging digital stars after March 20?

Umiikot sa kuwento ng pag-ibig at pamilya ang mga bubuksan ng iWant sa mga bagong seryeng tampok ang love triangle nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Zanjoe Marudo at ang mapait na love story nina Khalil Ramos at Elisse Joson ngayong Enero.

Makaka-relate ang marami sa Ampalaya Chronicles, kung saan bibida sina Khalil at Elisse sa pilot episode. Sa Enero 27, mapapanood naman ang docudrama na The Last Manila­ners,  tungkol sa Jewish refugees na nakahanap ng tahanan sa Pilipinas noong panahon ng Holocaust.

Sasabak din ngayong 2020 sina Julia Barretto at Tony Labrusca sa I AM U, meron ding I sina Zanjoe Marudo at Lovi Poe, The Tapes nina Yassi Pressman at Sam Milby, at ang Sunday Night Fever nina Nathalie Hart at Diether Ocampo.

Kumalat sa social media kahapon ang report na diumano’y pagpa-file ng petition ang Solicitor Ge­neral sa Supreme Court para harangin ang congressional franchise ng network dahil sa diumano’y ‘violations’ na itinanggi naman ng Malacañang na may kinalaman sila.

Sa March 20, 2020 nakatakdang mag-expire ang franchise ng ABS-CBN.

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with