^

Pang Movies

Ella May, Luke, Nina at Juris manghaharana sa Araw ng mga Puso

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ella May, Luke, Nina at Juris manghaharana sa Araw ng mga Puso
Juris

Magsasama-sama sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlo at pinaka-pabolosong installment ng pinag-uusapan at inaabangan na taunang Love Throwback Valentine concert franchise na mangyayari sa Pebrero 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall.

Sa direksyon at konsepto ni Calvin Neria, ang inihahain ng kamangha-manghang musical spectacle na ito ang pinaka-romantikong Pinoy love songs na nagbigay kahulugan sa love stories ng ilang henerasyon ng ‘di mabilang na mga Pilipino. Dadalhin ng #LoveThrowback3 ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.

Kasama si Marc Lopez bilang musical director, ang loyal fans at music aficionados ay maaaring maghanda sa isang ‘di malilimutang gabi ng musika habang aawitin ng live ng stellar cast ng show ang kanilang greatest hits gaya na lamang ng soulful classics ni Ella May na Till My Heartache Ends at If The Feeling Is Gone; ang ‘di mapapantayang bersyon ni Luke Mejares ng Kahit Kailan and Love Of My Life; ang stirring na rendisyon ni Nina ng Someday at Jealous; ang heart wrenching hits ni Juris na Di Lang Ikaw at A Love To Last A Lifetime; at ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na Tuloy Pa Rin at Maybe, at marami pang iconic na love songs na lahat ay bahagi ng soundtrack ng lovelife ng bawat Pinoy.

Bahagi ng proceeds ng concert ay ido-donate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.) – isang non-stock at non-profit na organisasyon na pino-promote ang “Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child” sa pagpapalakas ng family ties upang mapagibayo ang magmamahal ng isang bata sa pag-aaral.

Kim worried

Worried si Kim Chiu hindi lang sa mga taong apektado ng Taal Volcano eruption kung hindi ma­ging sa mga kabayong nasa ibaba ng bulkan.

Ayon kay Kim sa kanyang IG post, maraming kabayo sa ibaba ng Taal Volcano dahil ito raw ang sinasakyan ng mga turista paakyat sa crater. Kaya nag-aalala siya kung nasaan na ang mga ito ngayon.

 Kung sabagay totoo naman. May buhay ang kabayo at dapat talaga rin na­ ting isipin ang kapakanan nila.

JURIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with