^

Pang Movies

Mga lumang pelikula natin ka-level ng korean movies ang kuwento

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga lumang pelikula natin ka-level ng korean movies ang kuwento
Liza

Start na naman ako sa panonood ng Korea­novela, Salve ha. Nabalik addiction ko pero watch din ako 24 Oras at old movies sa Cinema One at PBO.

Ang gaganda talaga ng mga old movies natin lalo iyong mga gawa nila Ishmael Bernal, Lino Brocka at Marilou Diaz-Abaya.

Ang galing din ng restoration ng mga old film at talagang ayos na ayos.

Mabuti na lang at nagawa ito ngayon, at least iyon mga classic na movies puwede mo pa rin mapanood uli. At hindi pagiging biased ha, iyon mga istorya noon at arte ng mga artista para rin naman singganda ng Korean stories.

Siguro nga nagkaroon lang ng ibang path ang mga writer o medyo nag-deteriorate kaya nagkaroon ng pagbabago.

Iyon mga old movies glossy at very believable din ang plot pati dialogues, kaya nakapagtataka na biglang iba na ang quality ngayon.

Baka iyon quality control ang nawala, naging todo pasa na lang kaya nagbago.

Sana maibalik uli iyon dating quality ng istorya at paggawa para lalo tayong maging world class. Kung panonoorin mo mga dating pelikula, ang huhusay ng pag-arte ng mga artista hindi tulad ngayon na parang madalian na, matapos lang shooting o taping.

Sana mabalik uli, sure ako with Chairpersons Rachel Arenas and Liza Diño around, tataas ang quality ng mga pelikula natin.

Cristine at Nathalie mag-kumare na

Bininyagan pala kahapon si Penelope, ang anak ng sexy actress na si Nathalie Hart at kabilang si Cristine Reyes sa mga ninang.

Ang kuwento sa akin, naging close sina Nathalie at Cristine sa set ng pelikulang Abay Babes noong 2018.

Sad lang na hiwalay na si Nathalie at ang Indian father ng kanyang anak. Di ba Salve, kinumpirma niya noong December 2019 ang kanilang paghihiwalay dahil sa personal differences.

Cristine nanahimik sa hiwalayan kay Ali

Matagal nang balita na hiwalay na rin si Cristine Reyes sa kanyang asawa na si Ali Kathibi pero walang direktang pag-amin ang dalawa.

Ang sabi  sa  February 2020 ang playdate sa mga sinehan ng Untrue, ang pelikula na pinagbibidahan niya at ni Xian Lim. Hoping daw ang mga reporter na magsalita na si Cristine tungkol sa mga ganap sa kanyang personal life sa grand presscon ng Untrue.

AiAi walang paki sa bashers

Hindi na raw nagpapaapekto si AiAi Delas Alas sa bashers na kinukuwestyon ang kanyang pahayag na hindi siya pabor sa same-sex marriage sa Roman Catholic church.

Masyado nga namang naging impulsive ang bashers dahil hindi nila inintindi na mabuti ang sinabi ni AiAi sa presscon ng D’Ninang.

Ang sabi niya, hindi siya pabor sa pagpapakasal ng gay couples sa simbahang Katoliko bilang saradong Katoliko siya at Papal awardee pa.

Kinukuyog si AiAi ng bashers nito pero isa lang ang kanyang dialogue, “Kay God kayo mag-explain” dahil base nga naman sa Holy Bible ang mga salita na binitiwan niya.

Sa true lang, masyado nang matatalino ang mga kabataan ngayon na ipinagpipilitan na tama sila, kahit mali ang kanilang mga opinyon.

Pati ang mga salita ng Diyos, kinokontra nila. Nakakalimutan na nila na ang Diyos ang lumikha sa ating lahat.

Actually, may kinalaman din ang modern technology at ang social media sa katigasan ng ulo ng mga kabataan na feeling high and mighty.

Pero sure ako na sooner or later, magkakaroon sila ng mga realization kapag narating na nila ang edad ng maturity. I should know. Been there, done that.

KOREA­NOVELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with