Tatay ng anak ni Nathalie hindi sinipot ang binyagan!

Alam mo, Ateng Salve, kapag nakikita ko ang pictures ng anak ng ilang celebrities, parang type ko na ring magkaroon ng sariling baby!
Ang cute-cute kasi nila! (Hahaha. Mag-baby ka kasi. - Salve).
Isa sa pinaka-cute for me ay ang daughter ni Nathalie Hart, si Penelope.
Alam mo ba na noong kababalik pa lang ng mag-ina sa Philippines from Australia ay ni walang yaya si Nathalie for Penelope?
Pero ngayon, ang alam ko, may nag-aalaga na rin naman kay Penelope, although tutok na tutok si Nathalie sa kanyang daughter, pero kapag may work, kailangan ding may pag-iwanan si Nathalie sa anak kung hindi man puwedeng isama ang baby.
Medyo malaki na rin naman ang baby ni Nathalie and according to her manager, si Leo Dominguez, today bibinyagan si Penelope.
Hiwalay si Nathalie sa tatay ng kanyang baby dahil sa “personal differences” kaya hindi ko lang sure kung darating ba ang guy sa binyag ni Penelope.
Pagpapa-sexy nina Liza at Enrique suportado ng fans
Sa presscon ng Make It With You na bagong primetime series ng LizQuen na magsisimula na sa ABS-CBN on Monday, pinasalamatan ng reel & real sweethearts ang kanilang fans na dumalo sa presscon na according to Liza Soberano ay nasa na Dolphy Theater umaga pa lang.
Bale 3:00PM kasi ang call time for Make It With You presscon, pero mga 5:00PM na ‘yon nagsimula, pero ang taas-taas pa rin ng energy ng fans nina Liza at Enrique Gil dahil panay ang tilian nila kapag natatanong ang kanilang mga idolo.
Mukhang ok din sa mga fans nina Liza at Enrique na may pagka-“sexy” sila sa Make It With You.
Samantala, sa teaser pa lang ng Make It With You ay maganda na ang feedback, kaya mukhang hindi naman sila pressured na ang papalitan nilang show ay ang nagtapos na Starla kagabi.
Bongga ‘yung mga eksenang mapapanood sa teaser na kinunan pa nila sa Croatia, sa Europe.
Bitoy binigyan ng belated surprise party ng misis
December 17 pa ang 50th birthday ni Michael V., pero noong isang gabi ay binigyan siya ng surprise birthday party ng misis niyang si Carol.
Kuwento sa akin ng isang GMA 7 executive na nasa party, pinapunta raw ng executive producer ng Pepito Manaloto sa Victoria Sports Lounge Tower (near GMA 7) si Bitoy (palayaw ng comedian) dahil may mga eksena sa kanilang show na hindi nakunan nang mag-taping sila at doon na lang kukunan.
Successful daw ang surprise party dahil wala ngang idea si Bitoy na may ganoong plano ang misis niya.
Isa sa mga bisita ni Bitoy ay ang kumpare niyang si Ogie Alcasid.
“Kumanta si Bitoy ng 80’s songs, may trivia games din about him, plus may Jack & Poy contest na ang prize ay 50 thousand pesos.
“Ang saya. Nandoon ang mga tagaPepito Manalo at Bubble Gang cast. Maraming GMA 7 executives ang nandoon, pati si Ma’am Wilma Galvante na nakatrabaho noon ni Bitoy, may video greetings pa ng mga taga-Eat Bulaga, ‘tapos nasa party rin si Malou (Choa-Fagar).
“Ang saya, ang daming friends and neighbors ni Bitoy ang nandoroon. Then may sayawan pa,” sey pa ng kausap ko.
‘Yun na!
- Latest