^

Pang Movies

Bea tinawag na as*hole si Gerald?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea tinawag na as*hole si Gerald?!
Bea

Sa interview kay Bea Alonzo sa Esquire magazine, may nabanggit ito tungkol sa ex-boyfriend niya, pero walang binanggit na pangalan. Sabi nito, “I’m so over it. Baka mag feeling guwapo pa ‘yung ex ko... Leaving somebody without saying  goodbye is such an as*hole thing to do. I’m sorry but I can’t think of a perfect world for it- it’s so disrespectful.”

Ano kaya ang mas masakit kay Gerald, ang hindi banggitin ang kanyang pangalan o ang sabihing “baka mag-feeling guwapo pa ang ex niya” at ang pagtawag ng “asshole thing to do” ang ginawa niyang pakikipag-break na hindi naggu-goodbye.

Anyway, pareho nang naka-move on sina Bea at Gerald at busy sila sa bago nilang projects sa ABS-CBN ngayon at hindi pa yata nagkikita mula nang sumabog ang “ghosting” na nangyari sa kanila at sa kanilang relasyon. Paano kaya kapag nagkasalubong sila sa ABS-CBN?

Dedma sa bashers Julie, chill ang naramdaman kay Alden

Nabasa mismo ni Julie Anne Santos ang hashtag na #NoToJulie na ang tinutukoy ay ang pagsasama nila sa opening number ng pilot kahapon ng All-Out Sundays. Tinutulan ng ilang fans ang pagsasama nina Alden Richards at Julie sa dance number, pero natuloy din at mixed ang reaction.

Unang nabasa ni Julie ang #NoToJulie at nag-trending pa, hindi niya alam kung ano ang ire-react. Pero, hindi siya nagalit sa mga taong nagpa-trending ng HT at hindi nagpaapekto dahil sanay na siyang bina-bash matabi lang kay Alden. Saka, sa tagal niya sa showbis, tanggap na niya na hindi lahat gusto siya.

Inamin ni Julie na natuwa siya nang mabasa ang hashtag na #YesToJulie dahil may nakaintindi pa rin na pareho lang silang nagtatrabaho ni Alden. Saka, hindi sila, kundi ang production team ng AOS  ang masusunod kung patuloy silang bibigyan ng production number together.

“I feel chill sa number namin ni Alden, trabaho ‘yun na pareho namang tinanggap. Okay kami, we’re civil at nag-uusap kung kinakailangan. We’re aware na may sasabihin ang tao, kahit wala akong ginagawa. But I just want to do my job, gusto ko lang kumanta at mag-perform and I’m sure, ganu’n din si Alden. Dapat wala ng isyu, 2020 na,” sabi ni Julie.

Sabi ni Julie, hindi lang sila ni Alden ang headliners sa AOS, lahat sila ay headliners at ang maganda sa show, hindi pa uusuhin ang love team at mas iha-highlight ang pagiging solo performer ng bawat isa.

Masaya si Julie sa feedback ng TV audience at viewers sa AOS  na nabasa niya online. Worth it daw ang rehearsals nila at ang pagod dahil they were able to give a good show. Isa pang ikinagusto ni Julie, nabigyan ng chance ang bagong singers ng GMA-7 to show their talents at chance na sumikat.

Kinumpirma na rin ni Julie na magkakaroon ng Season 3 ang The Clash  dahil naging successful ang season one and two ng singing competition.

JC, tatay na!

Ang GF ni JC Santos ang nagbalita via her Instagram (IG) account that she’s pregnant. Post ni Shyleena Herrera, she is 31 weeks prengnant (nang i-post ang photo nila ni JC) eight months pregnant at baby girl ang baby na dinadala niya, batay sa hashtag na “#babygirl.”

Naka-private setting ang IG ng GF ni JC na nabanggit nito dati sa isang interview na chef ang GF niya.

Suwerte ang baby girl nina JC at GF niya dahil box-office hit ang Miracle in Cell No. 7  at showing na sa February 5, ang pre-Valentine movie nila ni Bela Padilla na On Vodka , Beers and Regrets sa direction ni Irene Villamor.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->