Yeng at asawa tututukan na ang pag-aanak!
Sad naman dahil wala si Yeng Constantino sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019 para tanggapin ang kanyang award bilang Best Supporting Actress sa film entry nila na Write About Love.
More of a singer by profession, Yeng hopes to do well in the acting profession, too. She has actually been cited for her good acting job in two earlier indie films she has appeared, ang Shift at The Eternity Between Seconds.
Given the choice, she will still consider singing, performing, plus songwriting, her priority. And of course, her being wife to Yan Asuncion kung saan siya kasal ng halos maglilimang taon na.
Goal nilang mag-asawa na magkaroon na raw ng anak, at okay lang daw kahit babae ito o lalaki.
Anne hindi bitter sa nangyari sa movie nila ni Vice
Of babies, one month from now ay posibleng manganak na rin si Anne Curtis sa panganay nilang baby girl ni Erwan Heussaff.
“Kasi ‘di ba? Supposedly one month apart lang ang pagitan nila ng hipag niyang si Solenn Heussaff? Eh January 1, nanganak si Solenn. Baka February 1 naman manganak si Anne,” said a kibitzer.
“Exciting pag nagkataon ‘di ba?,” susog pa ng aming source.
Meanwhile, ‘di man daw ma-adjudged na top grosser ang current entry nila na The Mall, The Merrier ni Vice Ganda sa ongoing na MMFF 2019, masaya pa rin daw si Anne.
“Ang importante, marami ang naaliw sa story,” pahayag niya.
As for Aga Muhlach’s Miracle In Cell No. 7 merging as the number one top grosser, ngumiti lamang si Anne. “I heard na talagang maganda ang movie, and let’s all admit na magaling ding aktor si Aga.”
Aga and Anne did a movie together noong 2008, ang When Love Begins, produced ng Star Cinema at idinirek ni Direk Jose Javier Reyes.
Aga hanga sa galing ni JC
JC Santos said he is glad that for the last two years ng MMFF ay palagi siyang kasama sa entry.
Noong 20017, kasama siya sa pelikulang Meant To Be ni Vic Sotto, at ngayong year ay kasali naman siya sa pelikulang Miracle In Cell No. 7 at Sunod kung saan kasama niya sina Aga Muhlach at Carmina Villaroel.
Ayon kay Aga, JC learned a lot. Once he faces the camera, JC said, he makes sure he gives his best.
“Kaya ‘di puwedeng ‘di mo rin ibigay ang best mo when it’s your turn to face the camera.
“Ang kapuri-puri pa sa kanya, mabait siya (Aga). He makes sure na okay lahat ang co-actors niya.
“We are lucky too that we have a very good director in Direk Nuel Naval. Alam niya ang ginagawa niya, alam niya rin what to expect from his actors.
“Kung sabagay, after watching Miracle… hindi mo sasabihing we did not do a good movie,” susog ni JC.
“Nakakataba ng puso ang mga comment ng mga nakapanood na ng movie.”
Magtatagal ang MMFF hanggang January 7, 2020.
Jasmine magiging busy pa rin sa mga indie film
Sayang at unlike her sister Anne’s movie na The Mall, The Merrier ay hindi kumita ang pelikula ni Jasmin Curtis Smith na Culion.
Kasama ni Jasmine sa nasabing pelikula sina Joem Bascon, Iza Calzado, Meryll Soriano at John Lloyd Cruz sa isang special role.
Samantala, busy ngayon si Jasmine dahil kasama siya sa Philippine adaptation ng Descendants Of The Sun ni Dingdong Dantes. Gagawa rin siya ng rom-com movie with Enchong Dee na posibleng ipasok sa Cinemalaya Film Festival bilang entry.
Noong 2019, bukod sa Culion, lumabas na rin si Jasmine sa Maledicto at Cara X Jagger.
- Latest