Nakakaiyak naman ang episode ng Eat Bulaga kahapon dahil hindi lamang ang studio audience at ang televiewers ang umiyak, cry din sina Bossing Vic Sotto, Allan K., Paolo Ballesteros, ang ibang mga host at pati na si Papa Joey de Leon na mababaw rin ang luha.
Nakakaiyak naman talaga ng segment na Bawal Judgmental dahil mga closet gay na hindi pa out sa kanilang pamilya ang participants at si Melanie Marquez ang celebrity player.
Talagang pinili ng closet gays na ilantad sa national television ang kanilang mga pinakaiingatan na lihim na kahapon lamang nalaman ng pamilya nila.
Hindi madali ang pag-amin na ginawa ng closet gays na humingi ng pang-unawa at pagpapatawad mula sa kanilang mga pamilya.
Wagas ang pag-iyak ni Paolo na surely affected dahil nakaka-relate siya sa mga sad story na narinig.
Marami ang nagulat kay Bossing Vic dahil hindi rin nito pinigilan na pumatak ang kanyang luha. Caught in the act si Bossing na pinapahiran ang luha sa mga mata niya.
In fairness kay Bossing, mababaw rin ang luha niya. Marami nang insidente sa Eat Bulaga na nahuli siya na umiiyak kapag nakakarinig ng mga malulungkot na kuwento.
Samantala, kinumpirma ng isang Eat Bulaga executive na wagi sa ratings ang show nila mula nang mag-umpisa ang Bawal Judgmental segment.
Gustong-gusto ng televiewers ang concept ng Bawal Judgmental na hindi basta laro dahil kapupulutan ng aral.
Congrats Eat Bulaga.
All Out…uulanin ng mga sikat sa pilot episode!
Nag-imbita ng entertainment writers ang GMA-7 para sa live telecast ngayon ng All Out Sunday, ang newest Sunday noontime show ng bansa.
Maaga ang calltime sa entertainment press dahil mag-aalmusal muna sila bago interbyuhin ang cast ng All Out Sunday at pagkatapos nito, sabay-sabay nila na panonoorin ang pilot episode ng programa.
Excited na ako na mapanood ang All Out Sunday dahil sure ako na all out ang ibibigay na entertainment ng GMA-7 at ng mga cast member.
Star-studded ang All Out Sunday dahil mga sikat na artista at promising stars ng Kapuso Network ang mapapanood at maghahatid ng saya sa ating lahat.