Hannah minahal ng Indonesian crowd

MANILA, Philippines — Balik-Pilipinas ang Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas matapos magpakitang-gilas sa international competition na Dangdut Academy Asia 5 na ginanap sa Indonesia.

Waging 2nd runner-up ang Kapuso singer na talaga namang minahal ng Indonesian audience kaya naman sa isang Instagram post, nagpasalamat si Hannah sa kanilang mainit na suporta sa kanya habang nasa kompetisyon.

Alden guest sa concert nina Dennis at Jennylyn

Excited na ang fans nina Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado at Drama King Dennis Trillo na mapanood ang real-life sweethearts na mag-perform sa concert stage sa kanilang Co Love Live’ ngayong February 15 sa New Frontier Theater. Bigatin ang special guests ng dalawang Kapuso stars kabilang ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Balita namin, ibabahagi ni Jennylyn at Dennis ang kanilang love story sa kanilang performances.

Show comments