^

Pang Movies

Raymart at Claudine, pinag-ayos ni Gretchen!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Raymart at Claudine, pinag-ayos ni Gretchen!
Raymart

Kasama ni Raymart Santiago ang mga anak na sina Sabina at Santino sa Japan at sa video na pinost nito, nasa snow sina Sabina at Santino at tila sled slide ang ginagawa. Naka-post din ang video ng dalawang anak sa Instagram (IG) ni Claudine Barretto at may caption na “My heart is full.”

Nag-comment si Gretchen Barretto ng “God is good all the time” na sinagot ni Claudine ng “thank u. Yes God is good bcoz u fixed our family & now we co pa­rent thanks to u i learned to forgive. I luve u.”

Sa post na ito ni Claudine,  si Gretchen ang gumawa ng paraan para makapag-usap at maayos nina Claudine at Raymart ang kanilang problema, kaya masaya sila sa status nilang co-parenting sa dalawa nilang anak.

Napansin lang namin na parang nag-iba ang ihip ng hangin dahil ‘yung mga galit kay Raymart, ang iba sa kanila ay gusto na magkabalikan sila ni Claudine. Mas masaya raw ‘pag kumpleto ang family na parang kailan lang, halos isumpa nila si Raymart dahil hindi raw mabuting ama. Ngayon, the best dad na siya. Hahaha!

Sheryl at Jeric parami nang parami ang tikiman!

Noong December 21, pa ang church wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, pero kailan lang namin napansin na hindi dumalo sa kasal ni Rodjun and first cousin niyang si Sheryl Cruz. Wala sa litrato si Sheryl at hindi rin nag-post ng photos niya kuha from the wedding sa Instagram (IG) niya.

Sabagay, wala rin naman sa kasal si Donna Cruz, kaya lang, hindi naman siya first cousin ni Rodjun at ang nakita lang namin ay si Sunshine Cruz at mga kapatid nito. Gaya ni Sheryl, first cousin din ni Rodjun si Sunshine.

Mag-iisip ka tuloy kung hindi pa ba okey ang magpinsan mula nang pumanaw ang ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte.

Speaking of Sheryl, nakakarami na sila ng kissing scene ni Jeric Gonzales sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw at lumalabas na sila na ang magka-love team at hindi sina Jeric at Klea Pineda.

Curious nga ang isang kakilala namin kung hindi pa ba nagkaka-developan sina Sheryl at Jeric sa dalas nilang maghalikan. Mabuti na lang at single si Sheryl, walang magseselos sa mga eksena niya sa Magkaagaw.

Jasmine kasamang rumampa ang nanay sa Gabi ng Parangal

Nasa bansa pala ang mom nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith dahil nakita namin ang photos na kasama siya nina Jasmine at BF nitong si Jeff Ortega sa awards night ng Metro Manila Film Festival. Hindi nanalo ng award si Jasmine, kung saan, kasama siya sa cast ng Culion na isa sa mga entry. Ang napanalunan nila ng buong cast ay ang Special Jury Prize for Ensemble Cast.

Kay Jasmine nagsusumbong ang ilang moviegoers sa ginawa ng ilang sinehan na after one day of showing, pinulout agad ang Culion. Paano nga naman ang mga lugar sa Visayas na hindi nakapanood kahit may tiket na dahil nagsara ang mga sinehan? Pagbalik nila kinabukasan, iba na ang palabas.

RAYMART SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with