^

Pang Movies

Mga nanalo sa Gabi ng Parangal pampalubag loob lang?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang apat na pelikulang bottom holders sa takilya lang ang nanalo ng awards. Parang pampalubag loob dahil sa second day ng festival inalisan na sila ng mga sinehan, hindi nga kasi kumikita.

Umapela pa si Judy Ann Santos, na sana naman daw madagdagan ang kanilang sinehan ngayong nanalo na sila ng halos lahat ng awards, pero hindi nga awards ang sukatan eh. Puro nga sila awards, papaano kung nalulugi naman ang mga sinehan? Suwerte na nga sila nasa festival sila eh, dahil kung hindi mahihirapang makakuha ng sinehan iyan.

Hindi rin namin inaasahang magbabago ang box-office trend pagkatapos ng awards night. Kasi nga dahil sa sobrang pagsisikap nilang matulungan ang mahihinang pelikula, para bang iyon na lang ang pinanood ng jurors at binigyan ng consideration para sa awards. Obviously, hindi lumabas sa kanilang awards ang popular choice, at alam naman ninyo ang publiko, igigiit nila kung ano ang gusto nila.

May pumuna rin, nai-announce nila na member ng jury si Congresswoman Vilma Santos Recto, pero walang nakitang Ate Vi, at ni hindi niya kinuha ang kanyang award bilang hall of famer sa best actress category. Kung sa bagay, hindi rin naman sumipot sina Nora Aunor at Maricel Soriano.

Sa kategorya nila si Amy Austria lamang ang naroroon, na mukhang nabastos pa dahil habang nagsasalita ay nagsisigawan ang mga fans ng “Nora, Nora.”

Obviously pinapasok nila ang fans sa awards night nila para magkaroon sila ng audience.

Bukod sa trophy, ang nanalong best actress at best actor ay binigyan pa ng P100K ng isa sa sponsors, na ang biro nga ni Juday “Direk baka kung pagsamahin na lang namin ni Allen iyong napanalunan naming 200 thousand kumita na ang pelikula natin maski papaano.”

Tama si Juday, gamitin nila ang perang napa­nalunan nila para makapag-block screening sila ng pelikula nila para hindi na sila mabawasan pa ng sinehan.

Taun-taon, iyan naman ang sinasabing problema, ang nawawalan daw ng sinehan ang mga “magagandang” pelikula. Hindi kaya iyan ay isang senyales na kailangang isipin na natin kung ano nga ba ang batayan para masabing maganda ang isang pelikula? Maganda ba ang pelikula kung naisasali natin sa mga festival sa abroad o maganda ba ang pelikula kung nagugustuhan ng audience mo at kumikita?

Aminin natin, ang festival na iyan ay ginawa para mapalakas ang industriya ng pelikulang Pilipino at nagtagumpay naman iyan. May panahong mas malakas ang mga pelikulang Pilipino kaysa sa mga pelikulang ingles. Ngayon ang pelikulang Pilipino ay tinatalo pa ng seryeng Koreano.

Hindi ba dapat na mag-isip ang mga producer  at mga director ng pelikula kung ano ang kanilang gagawin para makuha ang suporta ng masa kaysa naman sa puro na lang sila reklamo kung wala silang makuhang sinehan para sa mga pelikula nilang hindi kumikita.

Ang sinehan, negosyo lang din at natural ayaw ng mga may-ari ng sinehan na malugi sila. Bakit sila magpapalugi sa hindi kumikitang pelikula?

At ang kalakarang iyan ay hindi magagawang baguhin ng festival, kahit na ibigay pa nila ang lahat ng awards sa mga pelikulang hindi kumikita.

Nakangiti pa rin ang talunan sa awards, dahil nasa kanila naman ang pera.

vuukle comment

GABI NG PARANGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with