Mga reject na pelikula sa MMFF isasabak sa Summer Film Festival sa 2020?!
Naku, wala namang epekto sa producers at artista ng mga nangunguna sa takilyang movies kung bokya sila sa nominations nu’ng Gabi ng Parangal last Friday eh, luhaan pa rin silang mag-uwi ng performance at aspetong teknikal.
Eh, nasa kanila na ang pera, bakit nga naman maghahangad pa sila ng tropeyo eh sandamakmak na ang nagbibigay ng awards, huh?
Mas kailangan ng award ang mga kulelat sa takilya nang sa gayun eh mahatak nila ang publiko ang ginawa nilang movie.
Bukod sa panawagan sa cinema owners na ‘wag alisin o bawasan ang sinehang pinagtatanghalan ng movie nila, hihikayatin din nila ang mga manonood na panoorin ang movie nila.
Judy Ann Santos deserves a second chance at the box-office gaya noong aktibo pa siya sa movies.
Aabangan ngayon ng publiko at netizens ang pagpalo sa takilya ng nanalo ng best picture nang makabawi-bawi naman sa puhunan!
Basta ‘di man wagi si Aga Muhlach bilang best actor siya naman ang hinirang nga publiko na Best Actor ng Bayan, huh!
Anyway, may Summer Film Festival next year ayon sa announcement ng MMDA Chairperson na si Danilo Lim.
Totoo bang dito isasali ang ilang rejects ng Metro Manila Film Festival 2019?
Bela hindi na kinaya ng katawang lupa ang tambak na trabaho!
Bumigay na ang katawang lupa ni Bela Padilla matapos mag-host ng Gabi ng Parangal ng MMFF last Friday.
Bulagta sa kama si Bela sa picture na pinost niya sa Twitter.
Tweet ni Bela, “After working insanely hard for three months including trips to 6 countries in two months, my body finally gave in after my last job of the decade last night, super sick but still wishing you all the happiest holidays!
“Thanking you for loving Miracle in Cell No. 7!!!”
At least, kahit walang lovelife, tambak naman ang trabaho ni Bela, huh!
- Latest