Maraming napa-wow nang ibalita ni Gretchen Ho na magiging torch bearer siya sa Tokyo 2020 Olympics.
“GREAT NEWS TO END 2019. Guess who’s going to be a torchbearer at the @Tokyo2020 Olympics??? Every athlete’s dream!!! I. Just. Can’t. Wait. For the new year to begiiiin! #tokyo2020,” sabi ni Gretchen matapos i-share sa social media ang natanggap niyang letter of confirmation from Tokyo 2020 Olympic Torchbearers Office
“Congratulations!
“As the result of a rigorous screening process, you have been officially selected as a torchbearer for the Tokyo 2020 Olympic Torch Relay!”
Nakalagay sa sulat na “We are the Tokyo 2020 Olympic Torchbearers Office. As a part of the Tokyo Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games (Tokyo 2020 Organising Committee), our work relates to the torchbearers for the Tokyo 2020 Olympic Torch Relay,” at ‘yun na nga pala bonggang balita para sa kanya.
Sa likod ng balita... nagkuwento sa pinagdaanan sa 2019
Iba-ibang balita ang yumanig sa bansa noong 2019 na may hatid na leksyon sa darating na taon na babalikan sa Sa Likod ng Balita: The ABS-CBN 2019 Yearend Special sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.
Likha ng DocuCentral, ang documentary group ng ABS-CBN News, tampok sa Sa Likod ng Balita ang mga kwento mismo ng mga reporter na naroon mismo sa eksena upang ibalita ang bawat lindol, bagyo, epidemya, at pang-aabuso sa kapangyarihan na nangyari sa magtatapos na taon. Pati na rin ang mga tagumpay para sa mga Pilipino tulad ng desisyon ng korte sa Maguindanao Massacre at ang paghakot ng medalya ng ating mga atleta sa Southeast Asian Games.
Kasama sa dokumentaryo ang tulad nina Jorge Cariño, Jeff Canoy, Chiara Zambrano, at Christian Esguerra, na nasaksihan mismo ang mga balita ng malapitan sa kanilang pagganap sa tungkulin nila bilang mga mata, tainga, at boses ng mamamayan.
Para kay Jeff at sa kasamahang si Nonie Basco, mahalagang naibalita ang trahedya ng paglubog ng sasakyang pandagat sa West Philippine Sea at Iloilo-Guimaras strait, sapagkat ipinakita nito ang posisyon ng gobyerno sa usaping teritoryo, at nasimulan din ang pagbabago upang siguraduhing ligtas ang mga Pilipinong bumabyahe sa katubigan.
Si Raphael Bosano naman, napagtanto ang masidhing pangangailangan sa edukasyon ukol sa polio matapos marinig mismo ang kakulangan ng kaalaman ng publiko kung paano haharapin ito.
Si Jorge naman, naalala kung paano muntikan madamay sa malawakang pagpatay sa sibilyan at media sa Maguindanao dahil sa away pulitika, at sinabing hindi dapat matinag ang mga Pilipino sa ganitong pananakit at pananakot ng iba.