Napansin agad ng netizens ang bagong video-teaser ng GMA Network na gold letter V then may nakasulat sa ibaba nito ng ‘Abangan sa GMA New Year Countdown 12.31.19.’ Tinanong namin ang program manager na hahawak ng bagong pasabog na programa ng GMA Network para sa 2020 kung ano ang teaser ng bagong programa. Sagot niya: “teaser to the teaser reveal ng bago kong hahawakang show, ang Voltes 5.
Sumunod na nag-post naman si Director Mark Reyes ng photo ng Voltes V at caption niya: “May all your dreams and wishes Volt-in this Christmas! #teamultraelectromagnetic #v5gmanewyearscountdown.”
Ibig sabihin ba nito, si Direk Mark ang hahawak ng project, dahil forte niya ang mga ganitong klase ng proyekto?
Sino ang bubuo sa cast ng Voltes 5 o iyon ba talaga ang magiging title nito o baka based lamang ang story sa Voltes 5? .
Mapapanood ang teaser sa Tuesday ng gabi, December 31, 2019 sa kanilang New Year countdown sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia. Wait na lang natin kung may ipakikita na silang members ng cast.
24th Asian TV Awards dadagsain ng mga artista sa buong Asya
Sa unang pagkakataon lalabas ang 24th Asian TV Awards (ATA) sa Singapore at gaganapin ito sa Pilipinas at magiging media partners nila ang TV5 at Cignal TV. Gaganapin ito sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City, sa January 10 - 12, 2020. Dati, taun-taon itong ginaganap sa Singapore.
Magiging star-studded event ang awards night na magtatampok sa maraming television celebrities, hosts, actors, actress and performers.
Ilan sa itatampok na presenters and performers ay sina Indonesian actress Anggyun, our very own Martin Nievera, Kris Lawrence, Martin del Rosario at Morissette Amon at si Dick Lee, at expected ding darating ang mga nominated Asian talents sa awards night para tanggapin ang kanilang trophy na mapapanalunan.
Narito ang magaganap na events sa awards festival : January 10, 2020 – ATA Technical and Programming Awards; January 11, 2020 – ATA Live Show with Red Carpet and After Party; January 12, 2020 – ATA Sun-down Concert.
Sa mga gustong makakuha ng ATA Media Accreditaion, please contact Cat Miraballes at +63 2 8370-7287 (landline) or +63950-2940693 (mobile) or Beng Ragon at +63 917-3012382. Email as at pr@mediadotextchange.com.