Grabe, Salve A., how time flies, can you imagine Christmas na today?
Thus, allow us to make Christmas wishes to some of our celebrity friends, mapa-favorite man natin sila o hindi.
Aga Muhlach – Sana siya ang manalo ng Best Actor trophy in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry, Miracle Cell No. 7.
If ever kasi, mailuklok na siya finally sa Metro Manila Film Festival Hall of Fame, which is given only sa mga artistang tatlong beses nang nanalo sa nabanggit na award.
Dalawang beses nang naipanalo ni Aga ang Best Actor trophy sa MMFF sa pelikulang May Minamahal, co-starring him with Aiko Melendez in 1993.
Directing May Minamahal was Joey Javier-Reyes.
Anne Curtis – A safe delivery, when finally she gives birth to hers and husband Erwan Heussaff, panganay, in two months. Anne happily revealed that she is giving birth to a baby girl.
Vice Ganda – For his current happy lovelife na manatili. Kung sabagay, from the looks of it, mukhang sincere naman si Ion Perez, sa kung anumang damdamin meron ito para kay Vice Ganda.
Senator Bong Revilla – Success sa kanyan, kumbaga, pagbabalik-showbiz after more than four years ng pagkakakulong sa PNP Custodial Center. Happily for Senator Bong, mukhang ‘di siya nakakalimutan ng kanyang following, as they are eagerly awaiting sa pagsasa-himpapawid ng kanyang comeback series of sorts, Agimat ng Agila.
Angeline Quinto – A boyfriend, after four years na nagkahiwalay sila ng fellow singer na si Erik Santos. Actually, according to Angeline, she is enjoying her single blessedness. As long as her Mama Bob (her adopted mom) is with her daw, complete ang pakiramdam niya. Moreover, maganda ang takbo ng kanyang singing career.
Napapanood siya bilang singvestigator weekly kasama sina Andrew E., Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Wacky Kiray sa musical game show na I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano.
Luis Manzano – Finally, mapagbigyan na niya ang hiling ng kanyang mommy, si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto na magkaroon na ng apo. At 38, dapat lang na mag-asawa na siya.
Hoy Luis, bigyan mo na ng ultimatum si Jessy Mendiola, if true na siya ang gusto mong makasama habambuhay.
Miles Ocampo – Ang magkaroon na finally ng boyfriend. At 22, ayon kay Miles ay never pa siyang nagkakaroon ng boyfriend. Well, it’s high time na maranasan na niya ang magkaroon ng minamahal at mahalin din, bago siya mag-23 next year.
Nagkatotoo na ang isang wish ni Miles na maging bida sa movie. She plays the lead role sa MMFF entry na Write About Love kung saan kasama niya sina Rocco Nacino, Yeng Constantino at Joem Bascon.
Yeng Constantino – Sana ay matupad niya ang wish niya next year na magkaanak na sila ng asawang si Victor “Yan” Asuncion, after nearly five years nilang ikinasal. Isang professional pianist si Yan.
Aminado si Yen na nakatulong ng malaki ang support ng kanyang mister sa kanyang musical career para matupad niya ang pangarap sa kanyang sarili.
Ngayon, hindi na lamang siya basta pop diva dahil isa na rin siyang singer-songwriter. Soon, she will venture daw sa movie producing.
Manay Ichu Maceda – Total recovery sa kanyang pagkakasakit. At least, she’s out of the hospital now at nagpapagaling na sa kanilang bahay. Let’s all pray for her.
Merry Christmas, Manay Ichu.