Kahit sinabihang basura, movie ni Vice sure na sa no. 1?!

Vice

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!

Ang mga sinehan naman ang susugurin ngayon ng mga tao dahil simula na ang 2019 Metro Manila Film Festival.

Gaya last year, predictable ang mga entry na magbabakbakan sa festival. Halos magkakapareho ng genre at lamang ang komedya.

Kahit ano ang sabihing pangit, basura at walang kuwenta ang movie ni Vice Ganda, pinapanood pa rin ng publiko!

‘Yung movie ni Coco Martin, pinaghalong aksyon at komedya gaya rin ng movie ni Vic Sotto. Eh may sarili na rin kasi silang crowd kaya siguradong papalo rin ito sa takilya.

Eh ang manonood pa naman, mas gustong panoorin ang entries na sikat na artista ang mga bida. Kahit de kalidad ang isang movie, kapag lesser stars ang mga bida, hindi masyadong binibigyan ng pansin.

Mabuti na lang this year, naghalo ang commercial at quality movies.

Mahina man sa simula ang matitinong movies, kapag nakakuha ng awards, saka pumapalo sa takilya. Nakakabawi sa ginastos tulad na lang ng best picture last year na Rainbow’s Sunset.

Negosyo ang paggawa ng pelikula at sa parte ng MMDA, maraming beneficiaries na umaasa sa kita ng festival.

Kaya kailangang kumita ang festival kaya anuman ang ihain tulad ng pagkain eh, kainin na natin!

Ang mahalaga, may local movies pa rin tayong napapanood tuwing holidays kaya maganda man ito o hindi kagandahan eh tangkilikin na rn natin!

Tulungan natin ang industriya ng pelikulang Pilipino!

Show comments