Pauleen at Pia nagsosyo sa negosyo

MANILA, Philippines — Lalong nag-bonding ang mag-bestfriend na sina Pauleen Luna at Pia Wurztbach sa bagong negosyong itinayo nila, ang Bestea sa may ground floor ng Festival Mall sa Alabang.

Kasama rin nila rito ang isang bestfriend din nila na si Nina Almoro.

Ipinost nga nila sa Instagram ang kanilang milktea na store, nagtatalo ang mga followers kung si Maine Mendoza o si Nadine Lustre ba yung kasama nila.

Matagal na raw nilang plinano ito, at ngayon lang nagkaroon ng panahong natutukan ito ni Pauleen kasama si Nina.

Busy naman kasi si Pia na madalas ay nasa ibang bansa, pero na-enjoy daw niya itong bagong negos­yong pinagsamahan nila ng mga bestfriends niya.

Sabi ni Pauleen, soft opening pa lang ito na binuksan nila nung nakaraang Huwebes. Next month daw ang grand opening na pinaghahandaan din ni Pia siyempre.

Halatang sobrang excited si Pia sa pinasok na negosyo nila ni Pauleen.

Pinagsasagot niya ang mga comment ng mga followers niya.

Sabi ng isang nag-comment; “Sana ganyan kasaya uminom ng milktea lol.”

Sagot ni Pia; “Ay! Pag natikman mo yung samin baka maiyak ka pa (laugh emoticon).”

Nangako pa siyang nandiyan siya sa kanilang grand opening sa January.

Inaayos na rin daw nila ang branch sa iba’t ibang mall gaya ng Trinoma o sa ibang SM malls.

Iyun naman daw talaga ang gusto ni Pauleen na makapag-start siya ng negosyo. Pero kapag sinasabi mo sa kanyang sana masundan na si Tali, kaagad niyang sinasagot na sana matuloy na.

Cool lang si Bossing Vic kapag natatanong siya tungkol sa pagbubuntis uli ni Pauleen. Alam naman daw niyang ibibigay ni Lord kapag gustong bigyan sila ng isa pang baby. Pero kay Tali, sulit na sulit naman daw sila sa kanilang baby na sobrang bigat na raw. Tuwang-tuwa siyang kinukuwento sa amin, ang hilig din daw kumanta ng kanilang anak.

Kakaiba raw magdaldal dahil idinadaan daw sa pagkanta.

Militar sa ibang bansa, parang celebrity kung ituring

Pagpupugay sa Sandatahang Lakas ng Descendants of the Sun na sisimulan na ng GMA 7 sa susunod na taon.

Hango ito sa sikat na Koreanovela, pero Pinoy na Pinoy na ito ngayon.

Kuwento nga ni Rocco Nacino, hindi nila ininda ang layo ng location ng taping dahil nai-enjoy nilang lahat ang bonding nila sa taping.

Parang military daw ang turingan nila sa isa’t isa na kung saan, nagsa-salute sila kapag nagkikita.

Sana malaki ang naitutulong ng mga ganitong drama series sa pagkilala natin sa ating mga military.

Naobserbahan ko kasi sa Amerika, sobrang laki ng paghanga nila sa mga military.

Isang grupo ng mga military ang nakasabay ko sa flight mula Arizona pa-Los Angeles. Talagang sila ang prioritized sa pag-board sa eroplano at bago kami lumipad, in-acknowledge muna sila at pinalakpakan.

Ang iba ngang Amerikano, tuwang-tuwa pang nagpapa-picture at kinukurot-kurot pa sila sa pisngi.

Ang laki nang paggalang nila sa mga military, dahil alam naman nila na isinusugal nila ang kanilang buhay para mapangalagaan ang kaligtasan ng bansa.

Sa totoo lang, ganyan din ang ginagawa ng karamihang military dito sa atin, pero hindi sila nabibigyan ng magandang pagtrato at pagpupugay gaya ng ginagawa ng mga Amerikano sa kanilang mga military.

Sana malaki ang magagawa ng mga kuwento ng mga sundalong napapanood sa TV at pelikula, gaya nitong Descendants of the Sun.

Show comments