Vice tumugon sa operasyon ng batang may butas sa puso

Vice

Tinugunan ni Vice Ganda ang paghingi ng tulong ng netizen na si Sandra para sa kanyang anak na may butas sa puso.

Nagbebenta ng T-shirt ang ina ng bata para sa heart surgery ng anak na inilakip niya sa panawagan kay Vice.

“Fund raising lang po for the HEART SURGERY of our Sebastian Theone. Meron po siyang ATRIAL SEPTAL DEFECT. May butas po ang puso niya na hindi po kusang magsasara.

“Kasing laki po ng piso. Malakng tulong po sakanya ito. Pm lang po. Salamat. – crdts,” tweet ng netizen.

Agad namang tumugon si Vice sa magkasunod na tweets, “I can. Wait for my staff to coordinate with you.” Kasunod na tweet niya, “My road manager @janbaruad will DM you. God bless your baby.”

Miguel at Amy reunited na mag-ina

Hinding-Hindi malilimutan ni Miguel Tanfelix ang dramatic actress na si Amy Austria na naging ina niya sa Kapuso fantaserye na Mulawin.

Ngayong gabi sa Magpakailanman, reunited sina Amy at Miguel na Sana Ngayong Pasko episode bilang mag-ina muli.

Nakipagsabayan naman si Miguel sa husay ni Amy na pinalakpakan ang improvement ng anak-anakan sa mga madadramang eksena.

Show comments