May pamamanhikan na nga kayang magaganap, ngayong aalis si Maja Salvador with boyfriend Rambo Nuñez, to spend Christmas in Canada with her mom?
Maja’s mom now resides in Canada with her husband. Nanatili naman dito sa Pilipinas si Maja with a younger brother.
In any case, may magandang kuwento si Maja noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista. Nililigaw-ligawan na raw siya ni Rambo noon.
Malapit din sa mga taga-showbiz noon si Rambo, since his mom was a friend of late Douglas Quijano, a starmaker, producer at talent manager.
One day daw, Maja’s mom talked to Rambo and asked him na huwag na munang ligawan si Maja, since pareho pa silang bata.
Which could be the reason why, pumasok sa eksena sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli.
But this is all, of course, water under bridge, so huwag na nating pag-usapan.
Suffice to say that when two people are really meant for each other, magtatagpo uli ang kanilang landas, no matter what.
May you both find happiness in each other, Maja at Rambo.
Lara ginagalingan sa The Killer Bride!
Meanwhile, naguguluhan na ako sa mga current na eksena na lumalabas sa seryeng The Killer Bride nina Maja, Janella Salvador at Joshua Garcia.
Ang lakas ng dating ni Lara Quigaman as Alice. Type mong malaman kung ano pa kaya ang kanyang mga gagawin para matabunan niya si Camilla (Maja).
Gumaling na si Lara bilang performer, ganundin si Cris Villanueva na tumitindi lalo ang mga eksena bilang kontrabida.
More power.
Sen. Lito pinaglalaban ang maliliit sa industriya
How nice naman Salve A., of Senator Lito Lapid for taking the effort to meet with the entertainment press, para maramdaman that he is still an artista, no matter of better known na siya as a politician.
At malaki pa rin ang malasakit niya, lalo na sa mga maliliit na member ng industry, and he meant the props men, coffee boys at iba pa.
Sen. Lapid had them in mind when he filed a bill expressing his disgust over reported cases na may kinalaman sa PhilHealth, Pag-Ibig at SSS.
Napag-alaman niya na may bogus daw na ginagawa ang ilan sa mga namamahala ng mga nabanggit na ahensya.
“Ang bawat sentimo na ninanakaw mula sa pondo ng taumbayan na dapat ay para sa Universal health care, SSS at Pag-Ibig ay katumbas ng pagnanakaw mismo mula sa mga mahihirap na sana’y benepisyaryo ng mga programang ito,” ani Sen. Lito.
Huli siyang napanood sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Mayor Isko sasali sa Parada sa MMFF
Anything at whatever will make his presence felt, Manila Mayor Isko Moreno takes advantage raw.
No wonder, he’s currently considers the most popular mayor in Metro Manila. After all nga naman, sino pa ba sa mga dating naging mayor ng nasabing siyudad ang merong pinakamalaking billboard sa EDSA na nag-e-endorse ng sikat na brand ng pantalon.
And now, he’s back to showbiz via the big screen, no less.
Mayor Isko appears in a cameo role sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na pinagbibidahan nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas.
Well, we will not be surprised if, together with Coco and the rest of the cast, Mayor Isko joins the annual Parade Of Stars on December 22 at the City of Taguig.
Thank you…
Sincere thanks to Navotas Mayor Toby Tiangco na taun-taon, for more than a decade now, ay ‘di nakakalimot bumati at magpadala ng blessing.
To Maine Mendoza, for the ham. To MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Rachel Arenas for the rare water jug na personalized pa. To Helen Gamboa-Sotto for the ham and delicacies, which she personally prepared, and to Ma’am Charo Santos-Concio and Malou Santos for their respective gifts, too.