First day ng simbang gabi today, at birthday din ng showbiz icon na si Gloria Romero.
She turns exactly 86 years old today.
Kung out of the showbiz scene muna si Gloria, it is because nga raw ay kasalukuyan pa siyang nagpapagaling.
But, in no time, she will be up and about, ani Nova Villa, na siya munang humalili pansamantala kay Gloria sa kanyang weekly series, Daig Kayo Ng Lola Ko.
Ang ganda ng kuwento, Salve A., kung paanong naging artista si Gloria. Tubong Denver, Colorado kasi sila. And that’s her Mom’s (an American), home place.
Then one day nga raw, her father, a Filipino, decided that they try their luck naman in his hometown sa Pangasinan.
Beautiful and thin even in her pre-teen, Gloria easily became the toast ng kanyang mga kalaro. Bale ba, likas na raw na mabait noon si Gloria.
When Gloria turned teenager, ang mga kalaro niya and older kapitbahay urged her to turn artista, to which her Dad, Pedro Galla, agreed.
So, daughter and father went to Manila for Gloria to try her luck in showbiz.
Luckily, may audition pala for teenagers na gustong mag-artista sa Sampaguita Pictures, and as luck would have it, too, kaagad na feel ni late Dr. Perez that Gloria was a star potential.
After nalaman ni Dr. Perez na pumasa siya sa audition, he called for her. Asked her what name was.
“Gloria,” repeated daw Dr. Perez sa kanyang first name. And then muttered: “Puwede na. Pero, palitan natin ang apelyido niya,” he suggested sa kanyang mga kasamahan sa pag-audition. “Let’s think of a more glamorous surname.”
Then daw, biglang pumasok sa room the late director Eddie Romero.
Right then and there raw, ani Dr. Perez kay Gloria, you will be known as Gloria Romero.
A few years later, a younger brother of Gloria turned artista din sa Sampaguita Pictures.
His name: Tito Galla.
Maja ayaw magpatawag ng ‘tita’ kay Janella
Noong bago pa man daw nagkasama sina Maja Salvador at Janella Salvador sa currently trending series, The Killer Bride, they already know na magkamag-anak sila. But they never had the chance na maging close, until nga The Killer Bride, so to speak, came into the picture.
“But from the start,” ani Maja, “I warned her not to call me Tita. Kahit pa, in real life, much older ako sa kanya.
“Mabait na bata si Janella, she calls me Ate.”
Ironically, in The Killer Bride, they will eventually discover, na mother and daughter sila.
Maraming twists and turns na nagaganap sa series, na obviously matinding dahilan kung bakit lalong tinututukan ito.
“Kahit ako,” ani Geoff Eigenmann, na siyang pinakabidang lalaki, “ay nagugulat sa mga pangyayari.”
Who would ever think, halimbawa, na kung may Killer Bride sa series, may killer groom din pala, and she turns out to be the meek and mild Alice (played by Lara Quigaman).
“Hindi ko tuloy ma-predict kung kaninong buhay ang susunod sa peligro.” Well, ani Geoff. “puwedeng ako.”
“May sikreto ring dala ang mga flying lanterns. Kaya, ito din mismo ay dapat abangan.”
Ani Joshua Garcia: “I’m glad na kasama ako sa most suspenseful series na ito?
“I can’t wait to know how the series will end.
Joshua matatagalan bago ma-in love uli!
Of Joshua, matatagalan daw siguro bago siya muling umibig. Inamin ng binata na talagang nasaktan siya sa ‘di inaasahang pagkasira ng kanilang relasyon ni Julia Barretto.
Siguro nga raw, dapat na mag-focus muna siya sa kanyang showbiz career. Which gladly is doing well.
Right after nitong The Killer Bride, his next assignment will either be a movie or series muli.
“Pero, sana, movie naman,” ang wish ni Joshua.