Igan affected sa nangyari kay Cesar

Igan

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Cesar Apolinario, ang GMA-7 news reporter at television host na binawian ng buhay sa edad na 46 dahil sa Lymphoma.

Marami ang nabigla sa pagpanaw ni Cesar dahil hindi nila alam na may karamdaman siya. Sinadya ni Cesar na ilihim sa publiko ang sakit niya. Ang pamilya at malalapit na kaibigan lang ang may alam tungkol sa kanyang cancer battle.

Nagbigay-pugay ang Kapuso Network kay Cesar dahil sa mga kontribusyon niya bilang news reporter at pagiging matapat sa network at sa kanyang tungkulin.

Affected ang lahat sa pagkawala ni Cesar, lalung-lalo na ang mga kasamahan niya sa GMA News.

Nakagawa si Arnold Clavio ng isang tula para kay Cesar nang malaman niya ang malungkot na balita.

 “Ang nais mo lang lahat ay masaya... Pikit na Cesar, pahinga ka na...
“Mahirap mang tanggapin, may plano Siya...
“Di pababayaan, mga naulila mo...
“Sa langit ka na mag-direk, tapusin mo... Di ko namalayan, may luha na...
“Sa mata ko’y nangilid, hanap ka...
“UST at Ginebra, di ka na makakasama...
“Ano ba! Never say die ‘di ba?”

Hindi lamang tula ang isinulat ni Arnold Clavio para kay Cesar dahil lumikha rin siya ng Balitawit para sa kanyang lumisan na kaibigan at kasamahan sa GMA News.

Hindi ako magtataka kung kantahin nina Arnold at Ali Sotto ang Balitawit na ginawa niya na inspired ng Sana Ngayong Pasko, ang malungkot na Christmas song ni Ariel Rivera.

Gorgy naging Santa Claus

You know Salve, hanga ako sa energy at time management ni Gorgy Rula ha. Umalis siya kagabi para sa kasal nila Jolo Revilla at Angel Alitha pero nagawa niya lahat ng extra works niya. Extra dahil ginawa namin siyang Christmas messenger hah hah, para siyang Santa Klaus talaga, deliver siya ng mga regalo ng mga Villar, Mayor Abby Binay, Chair Rachel Arenas, Maine Mendoza, Joji Dingcong , at siya pa ang nag-organized ng presscon ni Cong. Alfred Vargas.

Bongga siya, very competent at hitsura ngarag na ngarag ginagawa niya ang trabaho niya. Sana magwagi siya sa LA pagpunta niya sa wedding para naman maging masaya siya at maramdaman niya ang pagiging surrogate member ng pamilya Revilla.

Bon voyage Gorgy and have a safe trip, at least mapahinga ka sa Pelican Hills at ma-feel mo ang white Christmas, happy Pasko.

See you sa new year at sa birthday mo. Love you Gorgy.

Show comments