Isa si Catriona Gray sa mga um-attend sa Christmas party ng talent management company na Cornerstone na ginanap sa Wil Tower noong Wednesday night.
Tapos na ang reign ni Catriona bilang Miss Universe 2018 dahil nailipat na niya ang korona kay Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa.
Mukhang magko-concentrate na sa showbiz si Catriona.
Nakita’t nakatsikahan ni Ruffa Gutierrez si Catriona sa nasabing Christmas party at nasabi niyang napakabait talaga ng Miss Universe 2018.
“She’s so nice. She’s the first one who said hi to me and approached me pa. She’s always nice!” sabi ni Ruffa.
Ipinaalala pa sa akin ni Ruffa na, “Mond got her to sing at magnum events before when she was starting!”
Friends nga raw ni Raymond Gutierrez si Catriona.
Pero alam mo, Ateng Salve, in fairness, maraming nagsasabing mabait si Catriona at maganda talaga ang PR.
Concert nina Sarah at Regine inaabangan
Ang Unified concert nina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum on February 14 and 15.
Inaabangan na ang paglabas ng tickets para sa nasabing concert.
Sa Sunday ay available na ang Unified tickets.
Marami akong mga kilala na inaabangan na ‘yon dahil maganda raw gawing Christmas gift.
Ang bongga!
Rita Magdalena naudlot ang comeback
Nakatsikahan ko ang dating sexy star na si Rita Magdalena na based na sa San Diego, California.
Dapat ay magbabalik-showbiz si Rita pero bigla siyang nabuntis.
Malapit na siyang manganak.
“December 31st due date ko. Kaya lang I was diagnose kasi with gestational diabetis and high blood pressure kaya baka they will do a induction delivery on Christmas day. Please include me to your prayers Jun ha. Btw. Ingat always,” sabi niya.
Sabi ni Rita, baka kapag nakapanganak na siya at medyo malaki na ang bata ay maisipan niyang magbalik-showbiz.
‘Yun na!