Fumiya ooperahan sa Japan, may butas sa baga!

Fumiya

Kasalukuyang nasa isang pagamutan sa Japan ang ex-Pinoy Big Brother Otso housemate na si Fumiya Sankai dahil nakatakda itong operahan sa kanyang lungs na nakitaan ng butas.

Umaasa si Fumiya na malalagpasan niya ang nasabing operasyon para makabalik siya ng Pilipinas at ipagpatuloy ang kanyang nasimulang showbiz career matapos siyang lumabas ng Bahay ni Kuya nung nakaraang August 4, 2019.

Gustung-gusto ng Japanese vlogger na si Fumiya ang Pilipinas kaya ito sumali sa reality program na Pinoy Big Brother at isa siya sa mga well-loved sa mga naging housemates ni Kuya.

Sen. Pacquiao pinatunayang walang age limit ang edukasyon

Dedicated ng boxing hero-turned senator na si Manny Pacquiao ang kanyang diploma sa pagtatapos ng kursong Bachelor of Arts in Political Science sa University of Makati sa kanyang pamilya – sa kanyang misis na si Jinkee at sa kanilang limang anak na sina Emmauel, Jr., Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Ang tinanggap na diploma ni Sen. Manny ay magsisilbi ring advance birthday gift para sa kanya as he turns 41 sa darating na December 17.

Tulad ng mayor ngayon ng Maynila na si Isko Moreno, nagpatuloy ito sa kanyang pag-aaral hanggang sa siya’y makapagtapos nung siya’y nasa showbiz na.

Marami ring mga prominent personalities in showbiz ang pinagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kalagitnaan ng kanilang respective careers at kasama na rito ang King of Talk na si Boy Abunda na nakapagtapos na rin ng kanyang doctorate degree.

This just proves na walang age limit ang edukasyon.

Show comments