^

Pang Movies

Miracle… nagtayo ng sariling selda…

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Miracle… nagtayo ng sariling selda…
Nuel

General Patronage ang classification ng MTRCB (Movie And Television Review And Classification Board) sa family drama movie na Miracle in Cell No. 7 ng Viva Films at binigyan din sila ng Grade A ng CEB (Cinema Evaluation Board) kaya sa special screening ng movie ng official entry sa coming 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) last Monday, nakumusta namin si Director Nuel Naval at scriptwriter Mel Mendoza del Rosario kung paano nila nabuo ang story based sa Korean movie na iniyakan na rin ng mga mahihilig manood ng mga Korean movies and dramas, at naidirek ang movie, na mahirap kung tutuusin, dahil kinunan ang kabuuan ng pelikula sa isang kulungan at sino ang pumili ng cast?

“Nang i-offer sa akin ni Boss Vic del Rosario na idirek ang Miracle in Cell No. 7, hiningi ko ang approval niya na ako ang pipili ng bubuo ng cast, after maisulat ni Mel ang script,” kuwento ni Direk Nuel. 

“Hindi ko pinanood ang original story ng Korean movie, dahil ayaw kong masabi na kinopya ko ang mga eksena. Alam kong maraming naging fans ang movie at nagustuhan nila kaya puwedeng hanapin nila iyong mga eksenang napanood nila. Pero binigyan naman kami ng right ng Korean producer na gawing Pilipino ang atake ng execution ng story. Isa pa sa ni-request ko kay Boss Vic, ang mag-set up kami ng isang kulungan (cell). Mahirap kasing mag-shooting sa talagang kulungan dahil bukod sa masikip, dapat maprotektahan ang mga inmates doon. Hindi naman tumanggi si Boss Vic, nakakuha kami ng isang malaking studio kaya hindi naging mahirap ang aming shooting,” sagot niya.

Kasama nga ni Aga Muhlach sa pelikula sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lo­renzo, Soliman Cruz at si John Arcilla. “Makikita ninyo kung bagay sa kanila ang role. At ang introducing na child actress, si Xia Vigor, ang husay-husay niya, parang hindi baguhan. For the special performers, pinili ko sina Tirso Cruz III, Christopher Roxas, Ian de Leon at Epy Quizon.”

Hindi ba sila nahirapang humanap ng kapalit nang mag-back-out si Nadine Lustre as the adult Yesha na ginampanan ni Xia Vigor?

“Hindi naman, dahil sina Bela Padilla at Nadine Lustre talaga ang nasa list ko na gaganap ng role ni adult Yesha. At napakahusay naman ni Bela at talagang bumagay sa kanya ang role ng isang lawyer na nagtanggol sa kanyang ama.”

Hindi kami magpi-pre-empt ng mga eksena dahil napakaganda talaga ng movie at mahuhusay lahat ang napili ni Direk Nuel na bumuo ng cast. May sorpresa sa ending kaya huwag kayong bibitiw hanggang sa huli. At bilin namin, magdala kayo ng maraming tissue papers  na dapat panoorin ng buong pamilya simula sa Christmas day, December 25.

NUEL NAVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with