Rich may paalala kay Glaiza
Dahil foreigner/afam ang boyfriend ni Glaiza de Castro, nagbigay ng advice sa kanya ang kaibigan niyang si Rich Asuncion.
Kasal kasi si Rich sa Philippine Azkal player na si Benjamin Mudie na isang Fil-Australian. Ang boyfriend ni Glaiza ay si David Rainey na isa namang Irish. “Sinabi ko lang, sa experience ko mas okay kasi, mas nag-work sa akin na ganun.
“Kasi ano sila, hindi ka iniiwan sa ere. Parang black or white. Ganun lang naman, parang clear ang intentions. Kung ayaw nila sa ‘yo, ayaw. Kung gusto nila sa ‘yo, gusto nila. Tapos makikita mo talaga yung pinupursige nila ‘yung intention na gusto nila sa inyo,” sey ni Rich.
“Sabi ko sa kanya, go lang. Basta ang importante masaya siya, at siyempre nakilala na niya ‘yung family nung guy. ‘Yun naman ang pinakaimportante, makilala mo ang family, na mabait sa ‘yo at nirerespeto ka.”
Kamakailan lang ay pumirma ulit ng kontrata with GMA Artist Center si Rich na 13 years nang Kapuso since sumali siya sa reality artista-search na Starstruck: The Next Level.
Madonna bawal nang mag-concert
Cancelled na ang scheduled concerts ng singer na si Madonna. Para sana ito sa promotion ng kanyang 14th studio album na Madame X.
May kinalaman sa kalusugan ni Madonna ang dahilan kung bakit kailangang makansela ang mga susunod na concert date niya.
“Please forgive this unexpected turn of events. Doing my show every night brings me so much joy and to cancel is a kind of punishment for me but the pain I’m in right now is overwhelming and I must rest and follow doctors orders so i can come back stronger and better and continue the Madame journey with all of you. #madamextheatre,” ayon sa kanyang social media announcement.
- Latest