Boy Abunda ayaw sumawsaw sa away ng mga Barretto
Ang contract signing kahapon ni Dr. Eugenio Abunda bilang spokesperson ng AMA para sa kanilang OEd Master’s and PhD programs.
Yes, ang TV host/talent manager na si Boy Abunda ang tinutukoy ko.
Sa speech ni Kuya Boy, tahimik ang lahat ng mga imbitado sa launch niya.
Ang galing-galing niyang magsalita.
Tama lang na siya ang choice ng AMA!
Sa nasabing presscon ng AMA ay natanong siya kung ano ang masasabi niya na patuloy na hindi pa sigurado ang franchise renewal sa congress ng ABS-CBN?
Sinabi ni Kuya Boy na wala pa talaga siyang alam kung ano ba ang mangyayari, pero mananatili siyang loyal sa Kapamilya network at under contract pa rin daw siya sa nasabing TV network hanggang sa end of 2020.
Tinanong din siya about Gretchen Barretto at sinabing hindi pa talaga sila nakakapag-usap ng aktres.
Sa tanong kung in-invite niya si Gretchen sa Tonight with Boy Abunda show niya ay hindi raw.
Natanong din siya tungkol sa sinabing sa kanya sana magpapainterbyu noon si Marjorie Barretto, pero hindi nga raw natuloy dahil close siya kay Gretchen kaya kay Karen Davila na lang ito nagpainterbyu noon sa TV Patrol.
Sabi naman ni Kuya Boy ay hindi naman niya maikakaila talaga ang closeness nila ni Gretchen kahit hindi nga sila masyadong nagkikita.
In fairness, ayaw ni Kuya Boy na “sumawsaw” sa away ng Barretto sisters.
PBA player laging walang pera, pa-allowance lang ni misis
Naaliw ako sa kuwento ng isang PBA player na “very understanding and loyal” sa kanyang misis.
Sa isang out of town ng kanilang PBA team, gusto raw ni basketbolista na mamili sana ng pasalubong, pero hindi niya magawa dahil wala siya halos pera.
Nang tanungin ng mga ka-team, sinabi ni basketbolista na pa-allowance lang kasi siya ni misis.
Lahat daw kasi ng suweldo niya ay deretso kay misis at binibigyan lang siya ng allowance sa tuwing lalabas siya.
‘Yun na!
Mother Lily balak magtayo ng mini mall
Ang dinner namin nina Mother Lily Monteverde, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez and talent manager Shirley Kuan noong Thursday sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan.
Abalang-abala si Mother Lily sa pagsusulat tungkol sa mga plano niyang gagawin sa isang property niya sa may San Juan.
Balak niyang magtayo ng mini mall.
Maganda ang mga kuwento ni Mother Lily tungkol doon, kaya na-excite kami.
Sabi nga pala ni Mother Lily, happy siya sa box-office gross ng pelikula niyang pinagbibidahan nina Maricel Soriano at Janella Salvador.
Masaya rin si Mother Lily para sa kaibigang si Tita Annabelle na sobrang mag-promote sa Unbreakable movie ng anak na si Richard Gutierrez kung saan leading ladies ng aktor sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban.
Sobrang friends sina Mother Lily at Tita Annabelle.
Ruffa nagbitbit ng mga amiga sa sinehan
Mamaya ay manonood uli si Ruffa Gutierrez ng Unbreakable movie ni Richard.
Kasama ni Ruffa na manonood mamaya ang 39 friends niya.
“Ang galing ng pagkakadirek. Ang galing ni Mae Cruz-Alviar!” sey ni Ruffa.
Kilalang-kilala ni Ruffa si Direk Mae dahil batchmate niya ito noong high school.
“Gusto kong magkaroon ng project na siya ang direktor. Gusto ko na maidirek ako ni Direk Mae! I’m so proud of her!” sey pa ni Ruffa.
Ang bongga!
- Latest