Sa kabila ng mga naglabasan na untoward report, tuloy na tuloy pala ang pagsasa-pelikula ng buhay ng isa sa least publicized revolutionary Filipino heroes na si General Miguel Malvar, with no less than international boxing champ cum Senator Manny Pacquiao playing the title role.
Involved din sa production ng Malvar movie si Camarines Sur Vice Governor at Sentimental Songstress Imelda Papin.
In fact, last week ay nagpa-audition sina Vice Gov. Imelda kasama ang lawyer na si Jose Malvar Villegas ng over 1,000 applicants, na gaganap ng iba pang important roles o bilang mga supporting player sa movie.“This Malvar movie, we assure you, will be one of the biggest showbiz events na magaganap next year,” ani Imelda.“Henceforth, too, lahat ng mga estudyante, lalo na, will know the heroism ni General Malvar. Wala nang magtatanong kung sino siya at kung bakit kinailangang isapelikula ang kanyang buhay,” susog pa ni Imelda.
Kung sabagay, Salve A., with Senator Manny playing the title role, posible ngang gumawa, kumbaga ng history ang Malvar movie na ito. Lalo’t kung maayos at may relevance ang pagkakagawa.
Si Jose Kaka Balagtas ang magdidirek ng nasabing pelikula.
Carmina parang Kapamilya na uli
Ang Ten17 at Globe Studios ang nag-produce at magre-release ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry na Sundo, starring sina Carmina Villarroel, Mylene Dizon at Susan Africa.
A horror thriller, it has Carlo Ledesma at the helm.
Dating Kapamilya talent si Carmina at ngayon nga ay magkakasama na sila nina Zoren Legaspi, Cassy at Mavy sa GMA 7.
Lately nga lang, nagbalik-Kapamilya si Carmina, when she appeared in the Gold Squad love teams first movies to stream back-to-back on iWant.
Ang Gold Squad love teams ay binubuo nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri.
Featured sina Andrea at Seth, Francine at Kyle bilang loveteams sa iWant first anniversary offering.
Bida sina Andrea at Seth sa Wild Little Love, at sina Francine at Kyle naman sa pelikulang Silly Red Shoes.
Aside from Carmina, kasama rin sa cast ng Wild Little Love, na idinirek ni Benedict Migue sina Alfred Vargas, Criza Taaz, Jin Macapagal at Victor Neri.
Co-starred naman in Silly Red Shoes with Francine and Kyle sina Anna Luna, at Karen Reyes. Ididirek ito ni James Mayo.
Ronnie matagal na-stuck sa pagkanta
A professional pilot now, too, just like AiAi delas Alas’ husband, Gerald Sibayan, is singer Ronnie Liang.
Thirty years old na si Ronnie na nakapagtapos ng pilot course sa APG International Aviation Academy.
Matagal na raw niyang pangarap na maging piloto pero mas pinili niyang maging professional singer, when he emerged finalist sa popular reality talent search franchise, Philippine Pinoy Dream Academy.
Bilang singer, nobody can question ang kahusayan ni Ronnie kaya naman na-stuck siya sa pagiging singer.
Nagpasya siyang mag-enrol sa flying school para raw patunayang dreams do come true especially if you really go for it.
AiAi tanggap ang pagiging nanay kay Coco
Naging pasahero na pala si AiAi delas Alas ng asawang si Gerald, now a licensed pilot, too, like Ronnie.
Ang kaso nga lang daw, ayon kay AiAi, may fear siya of riding an airplane. Ito raw ang dahilan kung bakit paminsan-minsan lang siyang bumiyahe even if she can afford, so to speak.
Kasalukuyang busy si AiAi sa pagtulong kay Coco Martin sa promo ng kanilang MMFF entry, 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, kung saan kasama rin nila si Jennylyn Mercado.
An action movie, Coco’s own Production, CCM produced it.
Guess nga pala what AiAi’s role in the movie is? “Mother ako ni Coco,” sagot ni AiAi. “Which I don’t mind, as ka-edad si Coco ng panganay kong si Sancho (delas Alas).”
Napapanood si Sancho sa top long-running action series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco.
Thank you Kris…
Allow me, Salve A., to thank Kris Aquino for the early Christmas gift she sent me.
Isa si Kris sa iilang artista natin na ‘di nakakalimot bumati at magpadala ng gift sa mga special occasion ng mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.
Sana, your tribe increase Kris.
God bless.