^

Pang Movies

Mga pelikulang Tagalog halos ayaw nang ipalabas sa mga sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa nakikita naming trend ng sine sa ngayon, hindi kami umaasa nang todo sa 2019 Metro Manila Film Festival, kasi bago ang festival magpapasukan ang napakalalaking pelikulang Ingles, na tiyak pagdating sa mga probinsiya, makukuha niyan ang Christmas playdate. Alalahanin ninyo ang pagpapalabas ng pelikulang Pilipino kung festival ay mandatory sa Metro Manila lamang.

Tiyak ang mga pelikula nina Vic Sotto, Coco Martin at Vice Ganda, sasabayan iyan ng mga sinehan sa probinsiya, pero papaano iyong mga pelikulang mahina-hina? Huwag ninyong sabihin na kung kayo ang may-ari ng sinehan, ilalabas pa ninyo ang mga pelikulang mahina ang kita kung may pelikula kayong kagaya halimbawa ng Jumanji?

Huwag nating sisihin ang audience. Huwag nating sabihing umiiral ang kaisipang kolonyal at hindi sinusuportahan ang pelikulang Pilipino. Hindi ninyo maikakaila na may panahong nangingibabaw ang pelikulang Pilipino sa mga dayuhan. Ngayon mas marami pang fans ang mga Koreano kaysa sa mga Pilipino. Hindi kaisipang kolonyal matatawag iyan. Siguro ang gumagawa ng mga pelikula ay gumagawa ng para lamang sa festivals at hindi iniisip kung ano ang gusto ng audience.

Talagang nakakagulat. Nagpunta kami sa isang mall noong Martes ng gabi para manood ng sine. Doon sa mall na may walong sinehan, walang ibang palabas kung hindi iyong Frozen 2. 

Nagsisimula ang screening tuwing kalahating oras. Isang linggo nang palabas ang pelikula, puno pa ang mga sinehan. Papaano ninyo maipapaliwanag iyan? May krisis nga bang masasabi?

Tapos masama ang loob ng ilang director, producer o artistang Pilipino dahil ang mga pelikula nila ay nilalangaw. Hindi ba sila nag-iisip at nagtatanong sa sarili kung bakit?

Pacman magni-ninong kina Rodjun at Dianne

Nagpunta sa senado sina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Sinadya nila talaga si Senador Manny Pacquiao na kukunin pala nilang ninong sa kanilang kasal. Ninong na nga ang tawag nila kay Pacman.

Araw na nga lang naman ang hinihintay bago ang kanilang kasal. Palagay namin magiging malaki iyan dahil ang kasal mismo ay sa Manila Cathedral. Doon na sila nag-prenuptial seminar noon pa. Wala pang sinasabi kung saan gagawin ang reception, pero kung ang mga principal sponsors ay kagaya ng level ni Pacman, malakihan iyan.

Pero sinasabi naman din nila na ang kanilang kasal, gusto nilang maging as private as possible, pabayaan na natin iyon.

Datung is the key Aktor na dating pinasisikat ng network pinatos pati matronang may asawa

Pinag-uusapan nila ang isang male star na dati rin namang sumikat noong araw dahil pilit siyang pinasisikat ng isa niyang sponsor na “big man” sa kanilang network. Ngayon ay wala na ang popularidad na iyon at nakakailang pa, maraming sinasabing hindi maganda sa pamumuhay niya ngayon. Ewan kung bakit ang laging tsismis ay may karelasyon siyang mga matronang mayayaman. Lately, may sinasabi pang may karelasyon siyang isang matronang may asawa pa. Walang dudang pinatulan niya iyong halos tiyahin na niya dahil sa perang kanyang nakukuha.

Minsan maiisip mo, kawawa ang ganyang mga tao. Bakit kaya hindi niya napaghandaan ang panahong hindi na siya sikat, para sana hindi niya kailangang gawin ang ganyan.

2019 METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with