^

Pang Movies

Buong Showtime present sa wedding nina Vhong at Tanya!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Buong Showtime present sa wedding nina Vhong at Tanya!
Vhong at Tanya

Happy ako for Vhong Navarro and Tanya Winona Bautista dahil ikakasal na sila bukas, November 29, sa Kyoto, Japan.

11 years na ang relasyon ng dalawa kaya it’s about time na lumagay na sila sa tahimik.

Nakilala ko si Tanya noong January 2014 sa kuwarto ni Vhong Navarro sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Ito ‘yung time na bugbog-sarado si Vhong ng grupo ni Cedric Lee dahil sa model na si Deniece Cornejo kaya na-confine siya sa St. Luke’s.

Magalang, tahimik at masipag na babae ang first impression ko kay Tanya. Habang nagkukuwentuhan kami ni Vhong, nasa isang sulok lang ng kuwarto si Tanya at type nang type sa kanyang laptop computer.

Kahanga-hanga si Tanya dahil hindi niya iniwan si Vhong, kahit nagkamali ito. Full support at unconditional love ang ibinigay niya sa kanyang boyfriend. Kung ibang babae siguro ‘yon, baka bumigay na siya at nag-babu kay Vhong pero hindi ganoon si Tanya.

Tunay na pamilya ang turing sa isa’t isa ng mga host ng It’s Showtime kaya dadalo silang lahat sa Kyoto wedding nina Vhong at Tanya.

Kabilang sa mga principal sponsor sina Roselle Monteverde at Chito Roño, ang manager ni Vhong at ng Streetboys.

Kaloka si Chito dahil pinag-iisipan pa nito kung dadalo siya sa kasal ng kanyang alaga. Kailangan kasi ni Chito na mag-ocular inspection siya sa isang lugar para sa bagong pelikula na gagawin niya sa Regal Entertainment Inc.

‘Hindi niya ako mapapahinto’

Naku Salve ha, may bad element na gusto yata na tigilan ko na ang Instagram, hah hah. Two weeks nang on/off ang IG ko sa phone na kahit ano gawin ni Randolf, hindi niya makita ang reason why.

Paano ko iiwan ang IG ko eh emotional crutch ko na ito. I post what I feel and think, kapag sad ako, happy, inis, galit, IG ang diversion ko.

Kaloka nga, enjoy ako sa pagbabasa ng comments, bashing, pagmumura pa kung minsan kaya para yatang sadomasochist ako dahil sa kagagahan utak ko.

Love ko na hate na hate ako ng bashers na hindi ko kilala pero kung mag-comment, wagas. Noon ko na-realize na hindi pala ganoon ang emotional effect kapag binabasa mo lang ang hatred ng tao na hindi mo kilala.

Iba pa rin ‘yung harapan ka na mumurahin in your face o kaya isang kakilala mo ang magsasabi ng masasakit na salita.

How can I leave IG eh ginagamit na ito ni Salve sa regular co­lumns ko sa PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa) at binabayaran na ang posting ko.

So bale income generating na ang IG ko aside from nagiging expression ito ng feelings ko kaya kahit na ano pa ang gawin ng dark enemy ko, hindi niya ako mapapahinto.

Basta IG pa rin ako kahit na-torture ako kapag hindi nakakakuha ng feed ang phone ko at hindi ko makita ang mga posting ko. Hahanapin ko lang si Randolf para ayusin, ‘di ba?

TANYA WINONA BAUTISTA

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with