^

Pang Movies

Mga anak nina Tonton at Glydel close na close sa kanila habang lumalaki

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga anak nina Tonton at Glydel close na close sa kanila habang lumalaki
Tonton at Glydel

Makikita ang closeness nina Tonton Gu­tierrez at Glydel Mercado sa kanilang mga anak na sina Aneeka at Aneeza dahil basta puwedeng isama sa mga party na pupuntahan, talagang isinasama nila.

Kasama ng mag-asawa ang dalawang bagets sa birthday party ni Rhea Tan ng Beautéderm sa Clark noong nakaraang Sabado.

Naka-staycation ang mga bata sa Marriott Hotel at looking forward sila na mag-swimming sa nabanggit na hotel.

Napansin ko na habang lumalaki sina Aneeka at Aneeza, lalo silang nagiging close sa kanilang mga magulang.

Very clingy sila kina Tonton at Glydel. Panay ang yakap at kiss nila sa kanilang mommy at daddy, kahit pa 15-years-old na si Aneeza at 8-years old si Aneeka.

Ang sarap na makita na happy at peaceful ang Gutierrez family. Nagawa nila na maging closely knit at precious ang kanilang bonding moments. Congrats Ton and Glydel for being super duper good parents.

TV5 buhay na uli!

Good news naman na magiging active uli ang Entertainment TV department ng TV5 dahil nangangahulugan ito na magpo-producer uli sila ng mga television series.

Sana nga, matuloy na sa lalong madaling panahon ang mga bonggang plano ng ETV department ng TV5 dahil maraming artista at production staff ang mabibigyan ng trabaho.

In fairness, bonggang-bongga noon ang TV5 nang ma-appoint si Perci Intalan bilang head ng ETV department.

Tinangkilik ng televiewers ang mga programa ng TV5 tulad ng Ang Babaeng Hampaslupa, Face to Face, Wowowillie at ang mga showbiz talk show.

At dahil humahataw noon ang TV5, nakuha nila ang serbisyo ng mga big star gaya nina Mang Dolphy, Sharon Cune­ta, Willie Revillame, Aga Muhlach at Derek Ramsay.

Pero somewhere along the way, nagkaroon ng problema at hopefully, nalutas na ito kapag naging active na uli ang ETV department ng Kapatid Network.

Studio 7 ‘di ipapalit sa SPS

Marami na ang news na lumalabas tungkol sa Sunday noontime program ng GMA-7 na ipapalit sa mababakante na timeslot ng Sunday PinaSaya.

So far, excited ang lahat sa coming soon noontime variety show ng GMA-7 na bagung-bago kaya mali ang mga haka-haka na ang Studio 7 ang replacement sa Sunday PinaSaya.

Waiting ang fans kung makakasama pa rin sina Marian Rivera, Alden Richards, AiAi Delas Alas, Julie Anne San Jose, Bianca Umali at Ruru Madrid sa bagong Sunday noontime show dahil mga contract star sila ng GMA-7.

Siyempre, malulungkot ang ibang mga talent ng Sunday PinaSaya na walang kontrata sa Kapuso Network at sa GMA Artist Center.

Raffy Tulfo binawi ang sinabi sa teacher!

Siguro naman, mahihinto na ang mga bashing laban kay Papa Raffy Tulfo dahil nagsalita na ito na hindi dapat mag-resign ang teacher na inireklamo ng child abuse ng mga magulang ng isang estudyante.

Sinabi ni Papa Raffy na tinanggap niya ang suggestion ng netizens na masyadong mabigat ang parusa na magbitiw sa tungkulin ang guro pero naniniwala siya na may na-commit na pagkakamali.

Plano ni Papa Raffy na pagharapin ngayong hapon sa kanyang programa sa Aksyon Radyo ang mga magulang ng bata at ang guro.

Gusto ni Papa Raffy na magkasundo na lamang ang magkabilang-panig para matapos na ang isyu na naging dahilan para batikusin siya nang bonggang-bongga ng netizens.

GLYDEL MERCADO

TONTON GU­TIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with