John Lloyd hindi mukhang dugyutin

John Lloyd

Ang linis na ng hitsura ni John Lloyd Cruz sa latest photo niya na inilabas ng isang brand ng panlalaking damit na obviously ay ang actor ang bagong endorser.

Wala na ang pagiging haggard looking niya na parang hindi naliligo.

Obvious na siya ang bagong endorser ng nasabing brand na may kamahalan ang mga produkto.

Samantala, bukod sa endorsements, balitang walang urungan ang gagawin nilang pelikula ni Bea Alonzo sa 2020.

Year 2017 nang mag-indefinite leave si John Lloyd sa showbiz.

Glaiza ‘dinala’ sa mental

Paano mapapatunayan ni Leni (Glaiza de Castro) na hindi siya baliw?

Mabawi pa kaya niya ang kanyang anak o tuluyan na rin siyang masisiraan ng bait sa Mental Hospital?

Tiniis ni Leni ang lahat ng pagmamalupit sa kanya ng biyenan hanggang sa magkaanak sila ni Boyet (Pancho Magno) at madiskubre niyang may ibang babae ang asawa. Dito na nakipaghiwalay si Leni kay Boyet. Pero ayaw ibigay ng mister ang kanilang anak.

Nakiusap si Leni sa mga magulang ni Boyet na tulungan siyang makauwi ng probinsya kasama ang anak. Pinagbigyan naman siya ng mga biyenan.

Ngunit laking gimbal ni Leni nang sa halip na sa airport ay sa Mental Hospital siya dinala ng van na sinasakyan niya.

Pinamagatang Sino ang Baliw? Ito ang kuwentong mapapanood ngayong gabi sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.

Show comments