Marami na ang nagsisimulang maghanap sa Boyband PH. Bihira na kasi itong mapanood sa mga programa ng ABS-CBN. Meron naman kasing variety shows ang Kapamilya kung saan puwede silang ilagay pero bakit wala sila?
Pinagbuhusan sila ng panahon ng ABS-CBN para mabuo, para makakumpleto ng limang naggagwapuhang lalaki na talagang marunong kumanta.
Nandyan pa rin naman ang grupo, kakantang magkasama kung kinakailangan, pero magkakanya-kanya muna sila pansamantala, para siguro ma-establish ang sarili nila.
House speaker Allan Cayetano inuna ang luho?!
Habang lumalaon ay panipis na ng panipis ang paggalang ko para kay Speaker of the House Allan Peter Cayetano. Buti na lamang at hindi ko siya kadistrito, ikakahiya ko sana siya. Aakalain ko ba na nagawa pa niyang ipagtanggol ang paggawa ng SEA Games cauldron na nagkakahalaga ng mahigit P50-M.
Saang anggulo man nating tignan, nagpapakita ito ng luho at yabang lalo’t sinusugan na siya ni President Rodrigo Duterte, kahit maraming indulto ang dumarating ng bansa na kinakailangan nating gastusan dahil pera naman ng bayan ‘yun at hindi nila. Tsk tsk tsk.
Inigo nakikilala na sa ibang bansa
Wala naman akong masabi sa anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Nakaka-proud ang ginawang pagpapakita nito ng music video ng single niya ng Catching Feelings sa halfway game ng laban ng LA Clippers vs. Oklahoma Thunders na ginanap sa Staples Center. Napakalaking boost ‘yun sa singing career ni Inigo at maging sa ating bansa dahil ang video ay kinunan dito sa Pilipinas.
Napanood locally ang music video ng Catching Feelings kahapon sa MYX.