Interpreter ni Patch Magtanong sinisisi sa kanyang pagkatalo
Ang binigay na interpreter kay Miss International-Philippines na si Patch Magtanong ang sinisisi ng maraming pageant fans kung bakit hindi ito nagwagi bilang Miss International 2019.
Marami kasing nakapansin na parang may mali sa pag-interpret sa speech ni Patch. Very powerful pa naman daw ang speech ni Patch tungkol sa women empowerment, pero dahil sa palpak na pag-interpret, hindi na-push ang gustong ipaabot ng ating Philippine representative.
“Parang naririnig ko nagsa-struggle ‘yung interpreter, so medyo kinabahan ako,” sey ni Patch.
Marami ang nanghinayang dahil kung nabigyan lang daw ng mahusay na interpreter si Patch, baka naging malakas ang chance nito na maging ikapitong Miss International ng Pilipinas.
Anyway, pumasok naman si Patch sa Top 8 at masaya na siya roon.
“Pero I think hindi naman lang ang speech ang basehan ng Miss International syempre, overall, and siguro, hindi ako ‘yung hinahanap nila,” diin pa ni Patch.
Si Sireethorn “Bint” Leearamwat of Thailand ang nanalong 2019 Miss International.
Pangalan ng magiging anak nina Anne at Erwan, pinagpipiyestahan na
Marami na ang excited sa magiging first baby ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis.
Pagkatapos i-announce ni Anne na siya ay five months pregnant na, pahulaan ang maraming netizens sa magiging gender ng baby nila.
Tila mas excited pa ang ibang tao kesa sa mismong mga magiging parents sa parating na baby. Ngayon pa lang ay namimili na ng puwedeng baby names ang mga tagahanga ni Anne.
May isang netizen ang nag-suggest ng baby name kina Anne at Erwan. “Suggest ko lang sana sa inyo Anne at Erwan na kapag lalaki ang anak niyo ang pangalan puwedeng ‘Zeusmar. Zeusmar Heussaff.”
Kung hindi ninyo ma-get, ang ibig sabihin ay “Susmaryosep”.
Anyway, kahit na buntis na si Anne, hindi raw ito magiging hadlang na matapos ang kanyang commitments. Isa na rito ay ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier.
- Latest