^

Pang Movies

Vhong hindi nagpahuli sa good news nina Vice at Anne!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Vhong hindi nagpahuli sa good news nina Vice at Anne!
Vhong

Matapos na iniladlad na nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang relasyon sa madlang people na tinanggap ng lahat, sumunod ang magandang balita na magkaka-anak na si Anne Curtis sa asawa nitong si Erwan Heussaff two years after their marriage, hindi nagpahuli ang komedyanteng si Vhong Navarro sa pagpapasabog ng isa pang good news.

Nagdesisyon na ito na pakasalan ang kanyang long-time girlfriend na si Tanya Bautista. Eleven years na silang magkasama, at hindi iniwan ng huli si Vhong kahit na dumaan ito sa napakalaking kontrobersiya.

May dalawang anak si Vhong sa dalawang magkaibang babae, at ang isa rito ay anak ni Bianca Lapus, si Isiah Vhong Navarro, habang ang isa naman ay si Frederick Vhong Navarro na anak niya sa isang non-showbiz girl. Ganunpaman parehong close ang mga ito sa kanya at kay Tanya.

Masaya ang lahat para sa sunud-sunod na magagandang balita.

Vivian Velez pinalitan na si Leo Martinez sa FAP

Malaki ang pag-asa ng mga miyembro ng Film Academy of the Philippines na mapapaunlad ito ng samahan ni Vivian Velez na kauupo pa lamang bilang Director General of the Film Academy.

Pinalitan niya si Leo Martinez na maraming panahon ding humawak sa nasabing posisyon.

Ang unang proyekto ng aktres ay ang pagbabalik ng pagbibigay parangal sa mga outstanding film and artist sa pamamagitan ng Luna Awards na magaganap sa November 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

 Ang FAP rin ang pumipili ng entry ng Pilipinas sa Oscars para sa Best Foreign Language Films.

Hiling ng maraming taga-industriya na magkatulungan ang FAP at KAPPT (Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon) para sa ikabubuti ng pelikula at ng mga mangagawa nito.

Pinoy movies ipapalabas sa Singapore

May Philippine Film Festival na magaganap sa Singapore sa November 13-15. Inihahandog ito ng Embassy of the Philippines in Singapore, Film Development Council of the Philippines (FDCP), Alumni Relations Office of the National University of Singapore (NUS).

Magaganap ito sa Show Foundation Alumni House Auditorium ng NUS.

Ipagdiriwang din ng filmfest ang ika-50 taong pagkakaibigan ng Pilipinas at Singapore at Sentenaryo ng Philippine Cinema.

Tampok sa festival ang mga pelikulang Seven Sundays, Bakwit Boys, Siargao at marami pang iba.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with