Morissette mas nakilala nang iuntog sa pader ang ulo

Morissette

At least kilala ko na ngayon si Morissette dahil noong pinag-uusapan siya sa Take It... Per Minute! (Me Ganun), hindi ko man lang ma-recall kung napanood ko siya o napakinggan. Singer pala siya.

Kaloka dahil negang-nega si Morissette sa mga balita na nag-walk out siya sa concert ni Kiel Alo, ang alaga ni Jobert Sucaldito.

Kung talagang ginawa ‘yon ni Morissette, kaloka siya talaga dahil malaking stress para sa isang concert producer ang kanyang walk out drama. To think na nasa venue na siya, saka niya nilayasan ang concert with matching pag-uuntog ng kanyang ulo sa dingding.

Sobrang stress ang idinulot ni Morissette kaya dapat lang na isumpa siya ni Jobert dahil sa laki ng kahihiyan na sinapit nito.

Nakakatakot na maka-deal ang isang performer na tulad ni Morissette na ilalagay ka sa alanganin at kahihiyan.

Hindi maganda para sa mga showbiz persona­lity ang mga ganyan na attitude lalo pa’t maliit lang ang mundo ng showbiz.

Ewan ko kung paano aayusin ni Morissette ang gulo na ito rin ang may kagagawan dahil kahit gaano siya kahusay, kung ganyan naman attitude niya, wala rin. Bokya pa rin ang aabutin ng kanyang career.

Young stars suwerte sa pagdami ng beauty clinics

Ang galing-galing ng maraming young stars ngayon dahil maingat sila sa kanilang physical appearance kaya halos lahat sila, may mga sponsor na beauty clinic.

Ang mapanatili ang kagandahan ng kanilang skin, buhok at dental hygiene ang dapat na unang harapin ng mga artista.

Mabuti nga, marami ang mga beauty clinic na pumapayag na maging sponsor kaya maintain ang beauty ng mga star.

Pero dapat na mapili rin sila sa mga endorser dahil hindi naman believable ang lahat ng mga nagsasabi na gusto nila ang products at ang service ng dermatologist nila.

‘Yun  bang ang reaction  natin  na ‘weh totoo ba iyan?’ dahil alam natin na hindi ginagamit ng endorser ang mga produkto at hindi totoo na pumupunta sila sa clinic.

There should be truth in advertising, ‘yung totoo na tinatangkilik nila ang mga produkto at pinupuntahan ang mga clinic na kanilang ipino-promote.

Masuwerte ang mga endorser dahil mahal ang service at mga gamot na gamit para sa pagpapaganda, kaya tinatangkilik nila ang Beautederm, Kamiseta Skin, Belo, Flawless at House of Obagi  na talagang maaasahan at tested na. Go, be beautiful.

Business ni Pianne perfect sa mga doggies

Happy ako na para sa doggies ang business ni Pianne Sinfuego, ang anak ng BFF ko na si Pinky Tobiano-Robles.

Bongga ang mga product ng Nicollete & Co. ni Pianne, ang doggie shampoo, conditioner, breath freshener at perfume spray.

Higit sa lahat, ang Nicollete & Co doggie products ay organic, non allergenic at all naturals kaya safe na safe na gamitin para sa ating mga mahal na baby doggies.

I’m so in love with the products na talagang all those who cares for their fur babies will fall in love with.

Naku Pianne, I so love your products na big help sa babies ko. Thank you for producing these products.

Dog lovers si Pinky at ang kanyang mga anak kaya naisip nila na magkaroon ng business para sa mga aso. So caring ang mag-iina kaya blessed sila.

Show comments