Nagpapasalamat sina Sophie Albert at TJ Trinidad na nakasama sila sa pinag-uusapan at sinusubaybayang inspiration drama series na The Gift ng GMA Network, na pinangungunahan ni Alden Richards.
Naunang napanood si TJ sa first week ng serye bilang si Gener, ang tunay na ama ni Joseph o Sep (Alden), wife niya si Nadia (Jean Garcia). Pero namatay agad ang character niya noong bata pa si Sep, nang subukan niyang magnakaw sa isang bangko at napatay siya. After that ay nawala na ang character niya, ngayon na lamang na binata na at bulag na si Sep.
Hindi nga raw in-expect ni TJ na babalik pa ang character niya, pero ngayon ay isa na siyang kaluluwa na nagbabantay sa bulag na anak. Tanggap ng netizens ang pagbabalik ni TJ.
Si Sophie Albert naman after ng Bihag afternoon series niya, ngayon lamang muli pumasok sa isang serye at happy siya dahil first time lamang siyang gaganap na isang psychic na nakakakita ng gumagalang kaluluwa. Kaya nang mabugbog si Sep sa story, magkatulong sila ni Gener, sinundan niya kung saan pumunta ito at natagpuan niya kaya nadala sa hospital at nasabi sa lola at nanay ni Sep kung nasaan ito.
Magaganda ang comments ng netizens sa panonood nila ng The Gift at nagpapasalamat sina Alden, Direk LA Madridejos at buong production staff dahil sa mataas na commercial load nila at ang pagti-trending nito gabi-gabi sa Twitter.
Buhay ni Kim binago ng Bubble Gang
Malaki ang utang na loob ni Kim Domingo sa long-running gag show na Bubble Gang kaya hindi raw niya ipagpapalit ito sa ibang shows na ginagawa niya.
“Priority ko po talaga ang Bubble Gang, dahil simula nang makasama ako rito, maraming doors ang nabuksan sa akin,” sabi ni Kim sa mediacon para sa coming 24th anniversary presentation nila.
“Kaya kapag may tinanggap po akong show, ipinauuna ko na sa kanila na hindi ako puwede ng Mondays, dahil every Monday ang taping namin ng Bubble Gang.
“Thankful din ako sa Bubble… dahil kahit paseksi ako sa unang pasok ko rito, na wala akong restrictions sa damit na isinusuot ko, ngayon ay pumapayag na silang tame na ng konti ang mga isinusuot ko sa show. Pero nandoon pa rin ang paseksi-look ko. Doon po kasi ako unang nakilala ng audience namin.”
Hindi rin nalilimutan ni Kim ang blessings na natanggap niya after niyang pumasok sa show, four years ago.
Bukod sa Bubble... ilang teleserye na rin ang nagawa niya at iyong dreams niya para sa sarili at family niya, isa-isa nang natutupad. At hindi rin niya malilimutan ang magandang samahan nila sa Bubble Gang na para silang magkakapatid na sa show.
Directed by Bert de Leon at Rico Gutierrez, ang The ScAvengers, two-part anniversary presentation ay mapapanood sa November 15 and 22, after ng One of the Baes.