Where Jodi Sta. Maria and her camp are concerned, parang hindi issue sa kanila na ikakasal na before Christmas ang ex-boyfriend niya na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa former beauty queen na si Angelica Alita.
Kung sabagay, maganda rin ang break up na namagitan sa kanila, which also happened last December.
Halatang hanggang ngayon, Vice Jolo holds a high respect for Jodi, who, we want you to know, Salve A. has turned producer.
Yes, Jodi is the producer ng digital project na My Single Lady, starring her with Zanjoe Marudo at Ian Veneracion.
My Single lady will stream soon in iWant.
Jodi was last seen in teleserye, Sino Ang May Sala, which also topbilled Bela Padilla and Tony Labrusca.
JM at Sylvia magka-sosyo sa negosyo
Nasa mixed martial arts business pala si JM de Guzman, kung saan kasosyo niya si Sylvia Sanchez.
JM and Sylvia play son and mother in the trending series, Pamilya Ko na napapanood araw-araw bago ang TV Patrol.
Bagama’t close raw silang maituturing ni Sylvia, kahit sa asawa nitong si Art Atayde, hindi raw nangangahulugan na totoo ang balitang sila na ng anak na babae ni Sylvia na si Ria Atayde.
“But I won’t deny na close din ako kay Ria. And I love talking to her. Marami akong natutuhan sa kanya, and besides, napakabait niya, tulad ng kanyang mga magulang,” patuloy pa ni JM.
Where his showbiz work is concerned, kuntento raw siya, if only because ‘di siya nababakante ng project.
JM is with the cast of the Cinema One Originals 2019 film festival entry, Lucid, co-starring him with Alessandra de Rossi and directed by Victor Villanueva.
Now 31 years old, JM plans to marry daw when he turns 40.
By then, he would have fulfilled his promise to his Mom and Lola na ipagpapatayo niya ang mga ito ng bahay.
Serye nina James at Nancy kasado na
Si Direk Antoinette Jadaone pala ang magdidirek ng series na gagawin ni James Reid for the Kapamilya, co-starring him with Korean actress, Nancy.
Balitang si Direk Antoinette na rin ang susulat ng story at script para nga naman maiakma niya sa dalawa ang roles na kanilang gagampanan.
Itinuturing na isa sa pinakamagaling na filmmaker ng kanyang panahon itong si Direk Antoinette, na obvious na namimili na ng assignments na kanyang tatanggapin.
From Direk Antoinette, we heard na may mga eksenang kukunan sa Korea ang series.
She promise to make the series serious but cheerful, para nga naman ‘di mabigat sa dibdib ng mga manonood.
Yen choosy kaya matagal nang bakante?!
Obvious na sa paggawa niya ng pelikulang Two Love You, under sa production ni Ogie Diaz, na-share ni Yen Santos na ‘di assurance ang gender ng isang lalaki para mapatunayan nitong possible ideal husband and father siya.
Samantala, open book ang pagiging bakla ni Ogie, who started as a showbiz writer at ngayon ay TV host na nga and a movie producer pa, plus talent manager. Isa rin siyang husband to Georgette del Rosario and father to four children, na ang eldest ay 18 years old girl.
From the start, ayon sa panganay na anak ni Ogie, alam niya ang kasarian ng kanyang ama. Kahit kailan daw, ‘di niya ito ikinahiya. Hindi niya inilihim, kahit sa mga posibleng manligaw sa kanya.
Kaya, during the presscon for Two Love You, co-starring Yen with solid gay, Lassy Marquez and macho member of the dance group, Hashtag, Kid Yambao, Yen was asked if it would be an issue with her na ligawan siya ng gay, o sabihin na nating lesbian, ang sagot niya, she’ll see when it’s “there” na.
May pagka-choosy nga raw siya, kaya medyo matagal-tagal na ring loveless siya, pag-amin ni Yen.
Two Love You is directed by Benedict Miguel and will be released by Viva Films on November 13 in theaters nationwide.
Dimples tuluy-tuloy ang suwerte
Walang tigil ang pagpasok ng good luck kay Dimples Romana. Parang kadenang may gintong namumuo sa tuwina.
Thankful siya sa series niyang Kadenang Ginto, which topbills her with Beauty Gonzales, Richard Yap, Adrian Alandy at Albert Martinez. Plus the gold squad composed of young Kapamilya Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fidelin.
Kasama siya nina Vice Ganda at Anne Curtis sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 entry, The Mall The Merrier.
Today, she will be introduced bilang ambassadress ng beauty product na Star Magical.
Magic ngang matuturing ni Dimples ang darating na Kapaskuhan.