^

Pang Movies

‘Be ambitious pero dapat smart ka’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kung ambisyosa ka Salve, dapat smart ka rin. Ang opportunity na iniaalok sa’yo, dapat alam mo kung totoo o trap lang ng nag-alok sa’yo.

Sa showbiz, maraming mga offer at bagay na hindi natin alam kung totoo o hindi like ang kaso ng indecent proposal ng isang gym instructor mula sa isang aspiring actor.

O kung minsan, ‘yung mga batang lalaki na gustong mag-artista na may promise na bibigyan ng break ng manager o direktor.

Be ambitious pero dapat smart ka. Tingnan na mabuti kung totoo o hindi ang mga pangako, huwag magtiwala agad.

Pag-aralang mabuti ang lahat at huwag masilaw sa pangako. Maging matatag din sa desisyon kapag naramdaman na hindi mapagkakatiwalaan ang tao.

Kung minsan kasi blinded tayo ng sobrang ambisyon kaya hindi na natin alam na napaglalaruan lang pala tayo. Be smart. Gamitin ang utak.

Pamamahiya ng fitness coach kay Alex Diaz, nakatulong sa paglalantad niya

Pero in fairness, nakatulong sa aspiring actor na si Alex Diaz ang pagbubulgar ng fitness coach na si Miguel Lagman Chanco na nakatanggap ito ng indecent proposal mula sa kanya.

Dahil sa nangyari, napilitan si Alex na aminin na bisexual ito na kumpirmasyon ng matagal nang tsismis at usap-usapan na pumapatol siya sa kapwa lalaki.

Madalas na subject si Alex ng blind item pati ang ibang mga aktor na nali-link sa kanya.

Naging disadvantage naman para sa fitness coach ang ginawa nito laban kay Alex. Siya ang naging nega sa paningin ng karamihan dahil in-out niya si Alex.

Pati ang mga inosenteng tao, nadamay dahil may mga isyu na lumitaw tungkol sa coach na pinararatangan na feelingero.

At dahil sa pag-amin ni Alex, inoobliga ng fans ang ibang aktor na matagal nang pinagdududahan ang gender na umamin na rin sila bilang sure na the truth shall set them free.

Nakakaramdam naman ng takot ang mga na-link na mhin kay Alex. Afraid sila na baka ibulgar din ni Alex ang mga aktor na nakarelasyon na imposibleng mangyari dahil hindi naman niya siguro tutularan ang maling ginawa sa kanya ng fitness coach.

The Annulment inaasahang kikita

Sa November 13 na ang showing ng The Annulment ng Regal Entertainment Inc.

Ang pilahan sa box-office ang bagong pelikula ng Regal ang prayers ko para maging masaya si Mother Lily Monteverde.

Kahit sinabi ni Mother na hindi ito umasa na makakasali sa Metro Manila Film Festival 2019 ang The Heiress, alam ko na nalungkot siya.

Tulad nang madalas na sinasabi ko, hindi kumpleto ang Metro Manila Film Festival kapag walang pelikula na kasali ang Regal.

At si Mother Lily, puwedeng mamuhay ng komportable, kahit hindi mag-produce ng mga pelikula pero kaligayahan na niya talaga na mapasaya ang mga tao.

Hindi basta negosyante si Mother dahil basically, fan siya. Alam niya ang pakiramdam ng fans na gustong makapanood ng mga pelikula na magpapasaya sa kanila kahit sandali at ito ang misyon ni Mother mula nang itayo niya ang Regal Films.

Kaya wish ko talaga na kumita sa takilya ang The Annulment para maging masaya si Mother at lalong ganahan na gumawa pa ng maraming pelikula na pakikinabangan ng lahat dahil marami ang mabibigyan ng mga trabaho at mapapaligaya na moviegoers.

ALEX DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with